Pinaghalong takot at kaba ang nararandaman ko ngayon. At alam ko na ganoon din ang nararamdaman ng aking mga kasama. Kahit sino man ang nasa sitwasyon namin ay ganoon din ang mararamdaman.Panay ang tingin namin sa kaliwa at kanan. Nagiingat na baka may makasalubong kaming isa sa kanila.
"Babe kinakabahan ako! Bumalik na lang kaya tayo doon. Delikado na nandito tayo sa labas! Maghintay na lang tayo na may dumating na saklolo" pasigaw na bulong ni Jhas sa babe nya
Kung nagiisip kayo kung possible ba na sumigaw at bumulong ka at the same time. Ang masasagot ko lang sa inyo ay OO. Nabasa nyo naman na ginawa ng isang kasama ko diba! Bakit ka pa nagtatanong at napapaisip?! And if you'll ask me kung pano nya nagawa yun? All I can say is bakit di mo itanong sa kanya? Ako ba yung gumawa nun? Tskk so much for that, masyado na akong gwapo para mapahanga pa kita lalo.
"Hulaan ko par iniisip mo na naman kung gaano ka ka-pogi nohh?" ngising aso sambit ni Joshua
"Aba par ngayon ko lang nalaman na nakipag substitute ka na kay madam auring! Biruin mo yun nahulaan mo iniisip ko" manghang sagot ko
"Haha par sa tingin mo di nya mahuhulaan yun kung araw araw yun lagi mong iniisip!"
"Boom basag!" sabay sabay pa nilang sabi
Itong na naman sila pinagkakaisahan na naman ang gwapong ako! Alam ko naman na naiinggit lang sila sa kagwapuhan kong taglay kaya nila ginagawa ito. Hindi ko na lang inaamin na alam ko para di kami magaway away. Tskk ang hirap naman talaga maging gwapo!
"Ano ba naman kayo ganto na nga sitwasyon natin nagagawa nyo pang magbiruan" bulong ni Sasha
Agad naman kami natahimik ng maalala ang kalagayan namin. Oo nga pala wala kami sa ordinaryo naming araw namin na nagbibiruan at papetiks petiks lang.
Sumeryoso na ang lahat at nagpatuloy sa paglalakad. Maingat kami sa bawat galaw namin sa takot na makagawa ng ingay at maranila nila kami.
Nagtaka ako ng biglang sumabay sa akin sa paglalakad si Joshua. Na miss siguro agad nito kagwapuhan ko!
"Bro hindi ako sumabay sa iyo dahil sa na miss ko kgwapuhan mo. Mas gwapo pa rin ako sa iyo. At bago ka magreact patapusin mo muna ako. Wala na akong sapat na oras so direct to the point na ako. Nakikiusap ako sa iyo na bantayan mo si Jhas sa oras na mawala na ako. Ikaw na bahala sa kanya. Mahal na mahal ko sya. And I'll do everything for her" makahulugang wika nito at sumabay na uli sa babe nya
Nakalabas na kami ng tuluyan dito sa masikip na eskinita na nilalakaran namin. At ganoon na lang ang pangamba namin ng bumungad sa amin ang higit kumulang na dalawampung kalahi nila.
Dahil na sa kanila ang atensyon namin. Di napansin ni Almarie ang bote ng alak sa gilid at natamaan nya ito. Nakagawa ito ng sapat na ingay para mapunta sa amin ang atensyon nila.
Walang pang isang segundo ay para mga kabayo sa karera na nagsitakbuhan ang mga kasama ko. Syempre nakitakbo na rin ako. Wala yata akong balak na maging hapunan na lang ng mga ito.
Nagkahiwalay hiwalay kaming lahat. Nagtungo ako sa isang daan malapit sa akin. Ngunit sa kamalas malasan nga naman ehh may naghihintay din sa akin doon na kauri nila.
Wala na akong nagawa kundi hintayin sila makalapit sa akin. Wala na akong takas dahil wala ng iba pang daan. Oras ko na nga ata. Tskk mababawasan na naman ng pogi sa mundo! Kita na ngang endangered species na kami ehh!
Pinikit ko ang aking mata at dinama ang bawat segundo na natitira sa buhay ko. Sayang lang at bago ako namatay sana nakalat ko man lang lahi ko. Kawawa naman kasi ang next generation. Di na nila malalaman ang tunay na definiton ng salitang gwapo!
Nagtaka ako ng lumipas ang ilang minuto ay wala pa ring lumalapa sa akin. Kaya binuksan ko ang mata ko at...
"Patay na ba ako? Nasa lugar na ba ako kung saan napupunta ang mga gwapong namamatay?"
"Hihihi buhay ka pa po kuya. You're not yet dead pa" at sumilay ang mala anghel nyang ngiti
"Teka kung di pa ako patay nasan na yung mga zombie? Diba dapat kakainin na nila ako? Nagbago na ba isip nila na kesa kainin ako ehh ibibigay na lang nila ako sa pinaka lider nila at ipapakasal doon?"
Napatawa na naman sya sinabi ko. May nakakatawa ba doon? Akala ata nito nagbibiro lang ako. Seryoso ata ako par lalo na pagdating sayo! Kilig ka naman agad dyan!
"Hihihi di nagbago isip nila. Actually kakainin ka na dapat nila but I save you from those monsters!" at pumalakpak pa ito na parang bata
Napatitig ako sa maganda nyang mukha. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang may paru-paro na nagsisiliparan sa aking tiyan. Patay kang bata ka! Na-lab at perseyt pa ata ako ohh!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yaaahhh I made it! Natapos ko din ang prologue nito!I know medyo magulo ito kaya basahin nyo pa po ang mga susunod na chapters. In short subaybayan nyo po ang story na ito para mas maintindihan nyo pa po!
And mag iwan din po kayo ng reactions nyo sa story. Kung ano ineexpect nyo o kung may mali mang grammar dyan at spelling. Im open naman po na itama yung mali ko. And above else dont forget to click that little star sa gilid.
Also paki read na lang po ang author's note. Baka sakali malinawan po kayo kung may mga tanong sa isip nyo about sa story.
Thanks po mga bes :*
YOU ARE READING
A Love Untold
Teen FictionHalina't alamin at buklatin ang katotohanan... Ang storya ng kanilang wagas na pagiibigan... Na sumibol sa kalagitnaan ng matinding unos... warning: slow update!