Napapaisip siguro kayo kung ano pangalan ng gwapong kanina pa nagsasalita. Hulaan ko pag nalaman nyo na name ko. I-sesearch nyo ako sa fb tas i-aadd. Pag in-accept ko magmemessage ka ng thanks! And worst sisimulan mo na akong i-stalk. I-sasave mo yung mga pictures ko sa cp mo. Tas pagkakatitigan mo na sya palagi. And gagawin mo pang wallpaper. Para pag nakita mo, you made my day ang trip mo. Alam na alam ko na iyan. Sa gwapo ko ba namang ito! Marami ng gumagawa nyan. Dont worry maiintindihan naman kita ehh. Gwapo lang naman ako!
Papakilala na ako ahh. Alam ko naman kanina mo pa ito inaantay. Im Marc Andrew Huxley. Already 17 years ng pagiging gwapo. And I know itatanong mo kung single ako. Congrats sayo kasi ang sagot ko ay tumataginting na YES! Kahit habulin ako ng chicks, good boy ata ito!
"Kuya? Kuya nakikinig ka ba? Ang sabi ko umalis na tayo. Baka may iba pang zombies na dumating" mahinhin nyang wika
Doon ako napatigil sa pag iisip. Oo nga pala kailangan ko pa din hanapin mga kasama ko. Tumayo na ako nagsimulang tumakbo. Nang maalala ko yung babaeng nagligtas sa akin. Huminto ako at bumalik sa pinanggalingan ko. Pero wala na akong naabutan dun babae.
Tinignan ko ang paligid. Pero kahit isa walang bakas nya. Maliban sa puting panyo. Pinulot ko ito at napansin ko ang nakaburda dito.
May letter 'M' na nakaburda dito. Tas may pakpak sa magkabilang gilid nung letter.
Wala ng iba pang nakalagay dito. So I guess ang name nya ay nagsisimula sa M. But sa dami ng may M na name mahirap hulaan ang pangalan nya. Kaya I'll call her na lang Angel. Maliban sa pakpak na nakadesign sa panyo at sa mala anghel nyang mukha. Para sa akin sya ang angel ko dahil niligtas nya ako at ang mundo. Tinulungan nyang di maubos ng tuluyan ang mga gwapo sa mundo. So you should also thank her!
"Marc! Buti na lang ligtas ka!" sigaw ng isang tinig sa likod ko kaya napatingin ako doon
Nakita ko si Agie at ang mga kaibigan ko na tumatakbo papunta sa direction ko. Pagkalapit ay hinagkan nila ako ng mahigpit.
"Ooppss hinay hinay lang naman. Baka nakaligtas nga ako sa mga zombies pero mamatay naman ako sa higpit ng yakap nyo" binitawan naman nila ako
Tinignan ko sila isa-isa. Mukhang ayos naman silang lahat. Pero nagtaka ako na parang kulang sila ng isa.
"Teka nasaan si Joshua? Bakit di nyo sya kasama?" kinabahan ako sa uri ng tingin nila
"Wa-wala na sya! Patay na si Joshua! Niligtas nya ako!" at napahagulgol si Jhas
"Ako dapat yung namatay ehh! Ako dapat yung nakain! Pero niligtas nya ako!" dagdag pa ng huli
Niyakap naman nila ito at pilit pinatahan. Napatulala na lang ako sa narinig ko. Alam ko naman na kahit anong gawin namin. Malaki ang chance na may mawala sa amin. Or maubos kaming lahat. Delikado ang buhay naming lahat dahil sa mga zombies na nasa paligid lang. Pero di pa ako handa na may mawala sa amin. Kahit maloko ang isang yun. Tunay at maaasahang kaibigan naman yun!
Naramdaman ko na may luhang pumatak sa gwapo kong mukha. Naalala ko pa nung wala pa kami sa sitwasyong ito. Nung wala pang kaguluhang ito. Lagi ako nun tinutulungan lalo na pag pinagiinitan ako ng prof ko sa dalas ng pagiging late ko.
"Umalis na tayo dito. Magdidilim na at mas delikado kung abutan tayo ng gabi sa daan" paalala ni Drake
Wala sa sarili na pinagpatuloy namin ang paglalakad. If you'll ask us kung bakit kesa magtago kami ehh nandito pa kami sa labas. Balak namin pumunta doon sa sinasabing lugar kung saan nanatili ang mga nakaligtas at di pa infected. Binabantayan ito ng mga libo libong sundalo na handa at kayang labanan ang mga zombies. Ligtas doon at may sapat na mga pagkain.
Napagalamanan namin na una pa lang alam na pala ng gobyerno na may mangyayaring ganto. Kaya inihanda na nila ang lugar na iyon para pagtaguan ng mga survivor. At para ipagpatuloy ang buhay.
Nagsimula kasi ito ng may nag leak na kemikal mula sa isang laboratoryo. Ang mga manggagawa nila ang mga naunang infected. Hanggang sa makalat na ito at dumami na ang naging infected. Na umabot nga hanggang dito sa lugar namin. Di handa ang lugar namin kaya wala kaming naging laban. At sa tingin ko kami na lang ang mga nakaligtas dito sa lugar namin. Isama na natin yung babaeng nagligtas sa akin. Speaking of her nasaan na kaya yun? Hindi kaya nakain na din sya? Sana naman di pa. Magpapasalamat pa ako sa kanya. Oo tama ka ng basa ang mga gwapong tulad ko ay marunong din magpasalamat! Utang ko kaya sa kanya ang buhay ko!
Sana talaga magkita pa tayo Angel ko!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Woohh nakaraos din! Sana naman po nagustuhan nyo.Vote and comment naman po kayo ohh! Just click that little star sa gilid. Mapapasaya nyo na po ako nun!
Thank you po!
Love you all po :*
YOU ARE READING
A Love Untold
أدب المراهقينHalina't alamin at buklatin ang katotohanan... Ang storya ng kanilang wagas na pagiibigan... Na sumibol sa kalagitnaan ng matinding unos... warning: slow update!