-Unedited- Except typos and grammar error.
"Scarlett, what are you doing here?"
Lumingon si Scarlett pagkarinig ng kanyang pangalan. There was Chad, standing inches away from her, seryosong nakatingin, humakbang ito palapit sa kanya. Hindi niya inaasahan na makikita ang lalaki sa mall. Dalawang araw na ang nakalipas ng maabutan niya itong lasing na natutulog sa sofa.
"Ikaw ano'ng ginagawa mo rito?"
"May meeting ako sa kleyente ko."
Tumigil si Chad sa mismong harapan. Nalalanghap niya ang pabangong gamit nito. Umiiwas siya ng tingin nang matanto na tinititigan siya nito. Hindi siya komportable kapag nasa paligid ang lalaki. Iwan ba niya kung bakit iyon ang palaging nararamdaman sa tuwing magkalapit sila. Hindi rin mapigil ang malakas na tibok ng kanyang puso. She took a breathe deep in silent hoping to get rid the uneasiness feeling.
Ibinalik niya ang paningin sa lalaking kaharap, "May tiningan lang-"
"I'm done, let's go!"
Naputol ang sasabihin ni Scarlett nang makita ang babaeng kasama noon ni Chad sa bahay nang minsa'y umuwi siya ng maaga. Napako ang paningin niya braso ni Chad nang kumapit ang babae. May biglang dumaang hapdi sa kanyang dibdib na hindi niya alam kung para saan iyon. Ang babae ay natigilan din at tumingin sa kanya. Ito ba ang sinasabing kleyente niya? Tumukhim si Chad dahilan para malipat sa mukha nito ang kanyang paningin. In her peripheral vision, Chad taking off the woman's arms.
"It's lunch time, why would you join us?"
Sumagot siya ng iling. Ngumiti para maitago ang sakit na nararamdaman, "hindi na, paalis na rin ako. Baka maka-istorbo lang ako sa inyo. Sige mauna na ako."
Tumalikod siya bago pa man makasagot si Chad. Nilakihan niya ang bawat hakbang para makalayo nang mabilis sa lugar. Paglabas ng mall, tumigil siya at tumingala upang pakalmahin ang paninikip ng dibdib. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi niya dapat maramdaman ang ganoong damdamin. Bato ang puso niya at walang kakayahang makaramdam ng selos. Selos? Did she really say that word? Goodness, no! She's not jealous. She's numb! Chad has the right to date any woman he wants to. Malinaw pa sa sikat ng araw ang sinabi noon ng lalaki sa kanya pagkatapos ng kasal nila.
Tinatapik-tapik niya ang dibdib. Mali ang nararamdaman at hindi siya dapat nagpapa-apekto. Sinulyapan niya nag pinaggalingan, wala na roon ang dalawa marahil ay naka-alis na. Tumuloy siya sa parking area, plano niyang bumisita sa lugar na itinuturing pangalawang tahanan. Pero bago iyon kailangan muna niyang mag-grocery.
"ATE SCARLETT!"
Gumuhit ang matamis na ngiti sa kanyang labi nang masilayan ang mga batang papalapit sa kanya.
"Hello, may pasalubong si ate sa inyo. Naging mabait ba kayo?"
"syempre naman po ate Scarlett."
"Good, magpakabait lang kayo palagi at makinig kay sister, okay?"
"Scarlett, iha. Narito ka pala, mga bata padaanin niyo muna ang ate niyo."
"Mano po, sister Lucy. Pasinsya na po ngayon lang ulit ako nakadalaw. Medyo abala kasi sa boutique."
"Walang problema, iha. Masaya ako na maayos ang takbo ng negosyo mo. Halika sa loob, kita mo ang mga batang 'to. Isang linggo ka lang hindi nakita e, parang isang taon na."
Ngumiti si Scarlett sa mga batang nakapaligid sa kanya. Hindi maitatanggi ang kasiyahan sa mukha ng mga ito sa kanyang pagbisita. Masaya siya na masaya ang mga ito. Sa kaunting bagay na naibibigay, nakikita niya kung gaano iyon pinapahalagahan ng mga bata. Maliit man o malaki ang importanti, the kids knows how to appreciate it and it gives her satisfaction every time she saw their faces smiling in happiness. Hindi gaanong kalakihan ang bahay ampunan, at nasa singkwenta lamang ang kayang i-accommodate ng gusali. Gayon man ay napalapit na nang husto ang lugar sa kanyang puso.
YOU ARE READING
LOVING ATTORNEY DELA VEGA
RomantizmScarlett forced herself to marry Attorney Charles Arthur Dela Vega in order to please her father.