Chapter 5: Reunited

626 16 0
                                    

"Krish! Gising na! We have to go in 10 minutes!"

Naramdaman kong ginigising na ako ni Janelle. Minulat ko ang mga mata ko.

"Hmmmm. Anong oras na ba?" tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko.

 

"Six AM. Papunta na dito si Nick para sunduin tayo. Doon ang meeting place sa bahay nina Stephen. Kaya bangon na! Mag-ayos ka na. Alert!" 

Wala na akong nagawa kundi bumangon. Inaantok pa rin ako kaya humikab ako. Napansin kong ready na si Janelle.

"Kanina ka pa nagising, noh?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman si Janelle. "Yeap. Bilisan mo na. Gagawa na lang ako ng sandwich para may makain ka habang nasa byahe tayo." 

Tinulak na niya ako papasok sa banyo. "Bilisan mo ah!"

Tumango na lang ako. Inaantok pa talaga ako. Narinig ko na lang ang pagsira ng pinto. 

[Janelle's POV]

Iniwan ko na si Krish para makapag-ayos na siya. Kawawa naman yung best friend ko. Alam kong pagod pa siya at kulang pa sa tulog. Pero any moment from now, dadating na si Nick dito para sunduin kami eh.

Habang abala ako sa paggawa ng sandwich, narinig kong may nag doorbell. Iniwan ko muna ang ginagawa kong sandwich para buksan ang gate.

"Good morning, wifey." 

"Good morning, hubby. Nakapagbreakfast ka na ba? Gawan kita ng sandwich, gusto mo?"

"Salamat, wifey. Pero nakakain na ako kanina bago umalis ng bahay. Ready na ba kayo?" 

"Naliligo pa yata si Krish. Samahan mo ako sa kitchen." Hinila ko si Nick at dumiretso kami sa kitchen.

"Hubby, nakausap niyo na ba si Alex?" bulong ko sa kanya. 

"Hindi daw siya sasama eh. Busy daw siya." Sagot ni Nick. 

The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon