Chapter 6: Girlfriend

580 16 0
                                    

Pabalik na ako sa kanila nang may makabangga ako. Busy kasi ako sa paghahanap ng phone ko sa bag ko kaya di ako nakatingin sa dinadaanan ko. Nahulog tuloy ang Minute Maid ko.

"Naku, sorry po!" sabi ko sa nakabangga ko habang pinupulot ko ang aking Minute Maid. Pagtingin ko sa nakabangga niya, nagulat ako. "A-Alex?" gulat na sambit ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Alex nga ang nasa harap ko

Nginitian ako ni Alex. Damn, I miss that smile. "Hi, Krish. Long time no see." 

Tumango ako. "Huh, oo nga. Kamusta ka na? Akala ko, hindi ka sasama?"

 

Nagkibit balikat lang si Alex. "Pinilit ako ni Stephen eh."

 

Tumawa ako ng mahina. "Hindi ka pa nasanay sa isang yun." 

 

Bigla naman may nagsalita sa likod ni Alex. "Babe, hindi pa ba tayo aalis?"

 

Doon ko lang napansin na may kasama si Alex at magkahawak ang mga kamay nila. What a sight.

"Krish, nga pala, this is Bianca. My girlfriend." Sabi ni Alex sa akin. Humarap naman si Alex kay Bianca. "Babe, siya si Krish. Kakauwi niya lang from the States." 

 

"Oh, siya yung kinukwento mo sa akin na umalis 8 years ago!" Sabi ni Bianca kay Alex. 

Ngumiti ako kay Bianca. "Hi. Nice to meet you, Bianca." 

 

Binitawan ni Bianca ang kamay ni Alex at lumapit sa akin. Nagulat na lang ako ng niyakap niya ako. "Sa wakas, nakilala na kita." 

 

 

"Ha? A-ah eh..." 

 

 

"Oy! Bilisan niyo na dyan!" narinig namin ang boses ni Nick. Tinatawag na kami. Naiinip na siguro.

Nauna na akong maglakad. Agad akong tumabi sa kanila ni Janelle at Lizzie.

"Sino yung babaeng kasama ni Alex?" tanong ni Lizzie sa akin ng makaupo na ako.

"Girlfriend niya. Bianca daw ang pangalan," sagot ni Krish habang binukbuksan ang Minute Maid ko.

The ReunionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon