CHAPTER 7.
Avril's POV
"Daddy! Kamusta na nililigawan mo?" magkausap kame sa phone ngayon. Tinamad kame magtype ee. Haha. Ayaw niya naman pumayag na hindi kame mag-usap ngayon. Dapat daw araw-araw. Mahirap na daw yung hindi updated sa best friend.
Mikhail: Pwede wag kang sumigaw?
Avril: Pwede wag mong sagutin yung tanong ko ng isa pang tanong?
Mikhail: Okay. Sorry. Wala pa kong naiisip na next move. Except yung pagpapadala sa kanya ng regalo every month.
Avril: Napadala mo na yung para sa ngayong month?
Mikhail: Hindi pa.
Avril: Ibig sabihin isa pa lang yung nabigay mo na regalo sa kanya? Ang weak mo Best!
Mikhail: I'm telling you pagsisisihan mo din na nasabe mo yan.
Avril: At baket ko naman pagsisisihan?
Mikhail: Mapapasagot ko siya ee.
Avril: Ang yabang mo!
Pss. Umiiral nanaman pagkamayabang nitong tatay kong best friend. Leche. Haha.
Nagsulat na ulet ako sa diary ng random things. Lahat na ata ng tungkol sa sarili ko nakalagay dito. Wala naman kasing nakakaalam na may diary ako ee.
Haaaaaaaaaay!
Monday na naman!
Ang huli kong pagkakatanda, saturday pa lang. Na magkatelebabad kame ni Daddy sa phone tapos nagsulat ako sa diary.
Ang bilis talaga ng oras kapag weekends!
"V! Locker muna ako!" sabe ko kay Victoria.
Bago ko buksan yung locker ko huminga ako ng malalim. Bigla kasi akong kinabahan ee. Di ko alam kung baket.
Pagkabukas ko...
May nalaglag na envelope. Kaparehas ng envelope na nareceive ko dati. So ibig sabihin si kuyang secret admirer nanaman to. Sino ba to. Baket ayaw niyang magpakilala?
May three puzzle pieces nanamang nakalagay. Ano ba naman to! Tapos may picture dun.
Parang lovers na nagsstar gazing. Basta yung gurl nakasandal sa chest nung boy tapos nakatingin sila sa sky. Then yung sky sobrang puno ng stars.