CHAPTER 5.
Avril's POV
First week na ng September! Ibig sabihin malapet na Intramurals namen. Syempre kailangan na ng preparation.
Ang pinakaunang preparation syempre ay yung magiging batch shirt ng bawat year level. Wala naman akong pakielam sa design nun kasi di ako nabigyan ng talent sa ganun. Tulog ata ako nung nagpaulan ng creativity.
Inasikaso na din yung magiging pangalan and number mo sa likod ng bawat batch shirt. Yung parang sa jersey ng basketball players. Ang pinagkaiba nga lang pwedeng nickname yung ilagay. Pwede ring lagyan ng symbols tulad ng heart.
Ang plano ko lang ipalagay na pangalan Avril. Haha. Ayoko ng madameng kaartehan. Babae ako pero hindi kikay. Hindi ko nga lang alam kung anong number ilalagay. Siguro 8 na lang kasi May 8 ang birthday ko.
No choice. Yun na lang. Sabay na kame nagsulat ni Victoria. Victoria yung name niya sa batch shirt niya tapos eight din yung number kasi eight letters yung pangalan niya.
Victoria: Ui Avs, punta muna tayo locker area. Mag-ayos muna tayo ng gamet habang nagsusulat pa sila.
Avril: Tara!
Biglang tumakbo si Victoria. Walang hiya to babaeng to. Ang hyper. Syempre tumakbo din ako kasi ayokong maiwan. Para tuloy kameng naghahabulan.
Pagdating sa locker area..
Victoria: Ang aarte talaga ng Pop-G!
Yung Pop-G yung grupo g maaarte sa Section 1.
Avril: Baket naman?
Victoria: Ee papano ba naman, kailangan pareparehas sila ng style sa pangalan. Kailangan Pop-G_*insert name here*. Tapos may heart daw sa huli. Nakakairita!
Avril: Sus. Bakit kasi kailangan mo silang pansinin? Baliw ka kasi ee!
Bumalik na kame sa classroom after 10 minutes.
Same routine everyday.
Monday to Friday...
Makinig sa teacher...
Makinig sa teacher...
Makinig sa teacher...
Makinig sa teacher...
Makinig sa teacher...
Pagdating ng gabe kachat c Daddy Mikhail tapos tutulungan niya ko sa home works ko para pumayag akong makipagchat sa kanya. Haha. Hindi naman sa ginagamit ko siya pero ayoko namang masira yung pag-aaral ko dahil sa pakikipagchat. Grade-concious ba? Haha, hindi naman, mahal na mahal ko pa kasi ang buhok ko. Ayaw kong kalbuhin ako ng ina ko dahil lang bumagsak ako. Nakow. Takot ko na lang kay mother dear.
Saturday...