•Chapter 2•

35 3 0
                                    

   "Libre kita?" Ang tanong ng isang boses na pamilyar sakin. Oo nga pala, Linggo ngayon, PANAGINIP.

"Ay Wag na. May Pera naman akong dala." Sagot ko sa lalaki na hindi ko makita ang mukha.

"Nahihiya ka pa eh... Bahala ka panoorin mo nalang akong kumakain nito." Sagot niya sakin, sabay tawa—

Yup, nagising na ako.

Pagkatapos ko maligo, mabilis kami pumunta ni Mommy pati ni Daddy sa simbahan.

Nang matapos namin ang Mass, may nakita kaming mga Booth sa simbahan. Different Church organizations. Ang daming mga booth, pero which got my attention is a booth which says 'Rondalla'. Hindi ko alam kung bakit, pero that booth really got my attention. My heart sank and I have no idea why.

"Iada, Organization oh. Sali ka na?" Tanong sakin ni Daddy.

"Ay, Oo po. Saktong sakto naman." Sabi ko sa kaniya. Tumakbo ako papunta sa Rondalla booth.

Isang babae, mga around 21 siya, ang bumati sakin.

"Hello! Sali ko po Rondalla?" Ang bati niya.

"Ano po ba ginagawa dito?" Tanong ko.

"Umm... Actually po, Music Ministry po Ito sa Church. We play Banduria here."

"Awe. Hindi ako marunong mag Banduria eh." Ang sagot ko.

"Okay lang. Tuturuan naman po." Sabay ngiti. "So ano po? Sali ka po? Fill up nalang po this form If you're interested." Ang mahinahin niyang sabi sakin, sabay bigay sakin ng isang papel.  

Sinagutan ko ang form na nagtatanong ng mga information about me. Binigay ko sa kaniya after kong sagutan.

"Thank you po sa pagsali. For practice po, 12:00 p.m. hanggang 5:00 po every Sarurday. And sa Sunday, 9:00 - 12:00 po. Thank you po talaga for joining."

Nang makauwi ako, mabilis akong kunain at natulog dahil Monday nanaman bukas.

Saturdays and Sundays (Sabado at Linggo)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin