•Chapter 1•

49 7 7
                                    

Tumingin ako sa labas ng bintana ko. Ang dami kasing batang nagsisigawan na tila ang saya-saya.

Pagkatingin ko ay mayroong mga batang gusgusin, sira-sira ang kanilang damit at tila napaka-dumi. Merong din isang lalaki. Matangkad, Kayumangi, at Naka-Glasses.

Tinignan ko kung bakit sumisigaw yung mga bata. Artista ba siya? Tinignan ko ng mabuti. Yung Lalaki pala ay may dalang mga tinapay. Pinapamigay niya ito sa mga bata.

Ang saya sa mukha ng mga bata ay kitang kita. Niyakap ng mga bata itong lalaki pagkatapos nila kunin ang tinapay at muling nagpasalamat at—

"IADA! GISING NA!" ang sigaw ng aking Nanay. Bumangon ako. Sabado nanaman ngayon. Nag-simula ako magkaroon ng panaginip tungkol sa isang lalaki araw-araw simula nung bakasyon.

Hindi ko kilala ang lalaki na iyon. Hindi ko pa naririnig ang pangalan niya simula noong una kong pagka-panaginip sa kaniya.

Pero isa lang ang masasabi ko. Siya ang DREAM guy ko. Mabait, may Takot sa Diyos, at Masipag Mag-Aral.

Pakinggan mo lang ang mga ugali na iyon sa isang lalaki ay, inlove na inlove ka na kagad. Pero sino kaya siya? Totoo kaya siya? Totoo ba ang dream guy ko?

Bumaba ako at kumain ng inihanda sakin ng Mommy ko.

"Iada, ang sarap nanaman ng tulog mo ah." Ang sabi sakin ng Mommy ko. Nag-pula ng onti yung mukha ko dahil nga dun sa Panaginip ko.

"Syempre po. Ngayon lang ulit makaka-tulog ng mahaba eh." Ang sagot ko, sabay tawa.

"Ikaw talaga. Ano nanaman pagkaka-abalahan mo buong araw? Magce-cellphone?" Tanong niya.

"Grabe ka naman po Mommy. Madami naman po akong hobbies. Drawing, or magprapractice pa ako ng more mag Ukulele. O pwede rin naman po ako magbasa ng Harry Potter books."

"Edi Mabuti. Oy, kamusta ka na pala sa pag-aaral mo?"

Speaking of Pag-aaral; Kuwento ko kung ano ang Educational status ko. Noong elementary ako, sa Public school ako nag-aaral and I'm on top always. Tapos yung nalipat naman ako ng Grade 7, inenroll ako ni Mommy an Daddy sa napaka-mahal na school. Catholic School siya. (Let's just hide the name of my school to —) "Guadalupe Academy."

"Okay lang. Naman po."

No, not okay. Nasanay kasi ako sa old school ko na simple lang mga tao and bigla BOOM ang aarte ng mga tao dito.

"Diba meron dapat sa School niyo na Church Organization? Pano yun?"

"Oo nga po pala Mommy. Bukas nalang po after simba hanap tayo ng magandang organization. Basta po gusto ko sa Music Ministry."

"Wow. Gitara nga hinde mo matugtog-tugtog. Ukulele ka lang magaling eh."

"Meron naman po magtuturo dun." Ang sagot ko.

*time skip*

*SUNDAY*

Saturdays and Sundays (Sabado at Linggo)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin