1

19 1 0
                                    

Si Dylan Lester o mas kilala sa tawag na Les ay isang lalaki na simula pagkabata pa lamang ay naging bahagi na ng buhay ang pagtakbo. Ito na marahil ang masasabi niyang pinakamadalas niyang nagawa simula ng siya'y isilang. Ngunit ang kinaibahan lamang, siya' y tumatakbo para sa mga ipinaglalaban niya sa kanyang buhay. Mga ipinaglalabang ni minsan ay hindi niya napagtagumpayan dahil sa kabiguan. Kabiguang sa simula pa lang ay tinaglay na niya at kahit minsa'y hindi na siya nilubayan.

Siya'y nagmula lamang sa isang mahirap na pamilya. Ang kanyang ina'y isa lamang labandera at ang kanya namang ama'y walang permanenteng trabaho. Apat silang magkakapatid at siya ang pangalawa ngunit nag-iisang lalaki. Ang panganay niyang kapatid ay matagal ng huminto sa pag-aaral dahil hindi matustusan ng kanilang mga magulang ang pag-aaral nila lalo pa't kolehiyo na ito. Mas pinili na lamang ni Lianna ang magtrabaho, ng sa gayon ay makatulong pa siya sa pagpapaaral sa mga kapatid.

Noong elementarya, si Les ang pinakakilala bilang pinakapahulihin sa kanilang klase. Madalas siyang makitang nagkukumahog sa pagtakbo sa pasilyo ng kanilang paaralan sa tuwing sasapit ang ika-pito ng umaga. Ngunit alam na rin ng lahat kung ano ang susunod nilang makikita matapos ang pagtakbong iyon. Isang Lester ulit na nakatayo sa harapan ng nakasarang pintuan ng isang silid-aralan na mababakasan ng kalungkutan sa mga mata. Isa lamang senyales na gaya ng kadalasan, huli na naman siya. Isang mahalagang bagay pa kasi ang kanyang ginagawa sa umaga upang may maidagdag sa ipon niya at maipantulong sa mga magulang. Nagtitinda siya ng pandesal sa bahay-bahay para sa almusal. Ngunit hindi katulad ng iba hindi isang Lester na lumalakad pauwi ang iyong aasahang sunod na makikita kundi isang batang lalaki na nakaupo sa harapan ng silid-aralan at tahimik na nakikinig sa mga itinuturo ng guro sa loob. Tunay na siya'y hinahangaan dahil nga sa likas na pagiging matiyaga kahit na bata pa. Minsanan lang kung makita man siyang nasa loob ng silid ngunit sa oras naman ng mga pagsusulit ay nakakasagot naman siya ng maayos. Hindi rin nagtagal ay nakapagtapos rin siya. Hindi man kasama sa top students ngunit maaari namang maipagmalaki ang nakamit niyang mga grado.

Sa kabila ng paghinto ng panganay na kapatid at sa pag-udyok sa kanyang magtrabaho na lamang upang makatulong na lang rin sa pagpapaaral sa dalawa pang bunsong kapatid ay mas pinili pa rin ni Les ang ipagpatuloy ang pag-aaral. Mas naniniwala kasi siyang mas malaki ang maitutulong niya balang araw sa pamilya kapag siya'y nakapagtapos. Nagpasya na lang sya na magtrabaho pagkatapos ng klase at sa tuwing araw ng sabado at linggo at sa oras rin na bakante siya. Iyon ang ginagamit niya sa pagpapaaral sa sarili dahil alam naman niyang hindi na kaya pang tustusan ng magulang at kapatid ang pag-aaral niya. Iyon rin ang nagsisilbi niyang pantulong sa pagpapaaral sa mga bunsong kapatid. Sa pag-aaral nya rin sa sekondarya ay naging interesante siya sa mga pampalarong gawain. Naging isa sa mga hilig niya ang sports , lalong-lalo na ang pagtakbo. Siya’y naging atleta. Bukod sa pagiging mananakbo sa paaralan ay sumasali rin siya sa mga patimpalak sa pagtakbo na may mga premyong salapi na para pa rin sa pag-aaral niya at sa pamilya.Mabilis naman siya kung tumakbo kaya nga siya natanggap ng kanyang coach ngunit ang palagi niyang pinagtatakhan ay ni minsan hindi man lang siya nanalo. Palagi kasi siyang nasa ikatlo at pababang pwesto mapa-paaralan man o panlabas na kompetisyon. Parati siyang hindi pinapalad na makuha ang pinakaunang posisyon. Ngunit sa kabila ng sa mga pagtingin niya’y pagkatalo niya , hindi pa rin siya sumuko at ipinagpatuloy ang pagiging atleta at estudyante kasabay ng pagtatrabaho.

Ngunit sa pagtuntong niya sa edad na labing-walo at siya ring pag-akyat sa ika-labing dalawang baitang sa sekondarya ay dumating ang isang napakalaking kabiguan sa buhay niya.

PagtakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon