3

6 0 0
                                    

Ngayong sila-sila na lamang ay mas lalong naging mahirap para sa kanila ang buhay. Halos maubos ang ipon ni Les sa pag-aayos ng libing ng ina. Idagdag pang sa labis na pagdurusa ng kanilang ama ay araw-araw na itong umiinom matapos ang libing ng asawa. Hindi na nila makausap ang haligi ng tahanan at kung magtangka ma’y nasisigawan pa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtimpi pa’t napatulan na rin niya ang ama sa sobrang sama ng loob.

“TAY , ANO BA NAMAN? HINDI LANG NAMAN PO KAYO YUNG NASAKTAN SA PAGKAWALA NI NANAY! PATI RIN NAMAN PO KAMI , TAY. PATI KAMI NAWASAK AT PATULOY PA RING NAWAWASAK DAHIL SA GINAGAWA NYO. HANGGANG KAILAN BA KAYO MAGIGING GANYAN? NAWALAN NA NGA  KAMI NG INA PATI BA NAMAN KAYONG AMA NAMIN PAGLALAHUIN NYO.TAY NAMAN. ISIPIN NYO NAMAN KAMING MGA ANAK NYO. LALO NA PO YUNG MGA KAPATID KO. TAY ANDITO PA KAMI.”

At dahil sa naging pag-uusap nila ay tila natauhan ang kanilang ama. Matagal bago nila tuluyang matanggap ang pagkawala ng ina ngunit ng tumagal ay bumalik na rin sa normal ang kanilang pamumuhay. Nakapagtapos ng sekondarya si Les ng may matataas na grado. Ginamit niya ang natitirang ipon upang makapagsimula ng pag-aaral sa kolehiyo sa kursong Tech-Voc , specialized on Sports. Ipinagpatuloy pa rin niya ang pagtatrabaho kasabay ng pag-aaral upang masuportahan ito pati rin ang pag-aaral ng mga kapatid. Ang ama niya ay nagkaroon na rin ng isang stable job ngunit hindi pa ganoon kalaki ang sahod. Ang ate nya rin ay nagkaroon na ng maayos-ayos na trabaho. Sa kasalukuyang pag-aaral niya sa kolehiyo ay nakilala niya ang isang babae na nagngangalang Drianna. Ang babaeng magiging unang pag-ibig ni Les. Nagustuhan siya ng binata at ganoon rin ang naramdaman ng dalaga sa kanya. Bukod naman kasi sa lumaking magandang lalaki si Les ay likas na rin ang pagiging mabait nito. Kaya’t hindi na rin nakapagtatakang hindi rin naglao’y naging magkasintahan na sila. Totoong mahal nila ang isa’t isa at makikita iyon sa ningning ng kanilang mga mata. At isa pa’y legal rin sila sa kanilang mga magulang at wala silang tutol sa relasyon ng dalawa.

Ngunit sa ika-una nilang anibersaryo ay nagkaroon sila ng matinding pag-aaway. Pag-aaway na magiging ng isa na namang twist sa buhay ni Les. Nais niyang ipaliwanag ang sarili sa kasintahan ngunit mas pinili ng dalaga na tumakbo palayo sa kanya. Labis ang pagkanais niyang magkaayos sila kaya’t hinabol niya ang dalaga. Subalit ang pangunahing dahilan na pagkakaayos lamang ay agad na napalitan ng makita niya ang humaharurot na sasakyang maaaring umararo sa katawan ng kanyang babaeng minamahal. Isinigaw niya ang pangalan ng kasintahan at nagbabakasakaling lumingon ito ngunit hindi. Pinilit nyang tumakbo sa pinakamabilis na kaya niya ngunit…

BOOOGGSSSH!!!CRASSSHHH!!!

Agad siyang napatakbo sa duguang katawan ng kasintahan at napaluhod. Iniisip niyang nahuli na naman sya. Nagsisigaw siya ng tulong hanggang sa madala ang kasintahan niya sa ospital. Naging kritikal ang kalagayan ng dalaga at nagalit sa kanya ang mga magulang ni Drianna. Pinilit niyang magpaliwanag ngunit gaya ng dalaga hindi rin nila siya pinakinggan. Labis syang nasaktan dahil sa nangyari. Laging umuukit sa isip nya kung paano sya palaging nabibigo sa mga hinahabol niya. Pilit niyang hinahanap ang sagot kung bakit sa tuwing tatakbo siya palagi na lang siyang nahuhuli.

Gumaling naman si Drianna ngunit ang mas nakasakit kay Lester ay hindi siya makilala ng pinakamamahal na kasintahan. Hindi siya makalapit sa dalaga dahil bukod sa hindi siya pinapayagan ng mga magulang nito ay napangungunahan siya ng takot sa kung ano mang sasabihin ng dalaga. Isang gabi habang nag-iisip siya ay nilapitan siya ng ama.

“Kamusta na ba si Drianna anak?”

“Maayos na po ang lagay nya tay. Nakalabas na nga po sya ng ospital.”

“Eh kayo ba anak?Kamusta na ba kayo?”

Napangiti sya ng mapait sa tanong ng ama.

“Hindi ko alam tay. Hindi nya ako maalala. Hindi ko alam kung maaayos pa ba kami.”

“Wala ka bang balak ipaglaban ang relasyon nyo?”

“Gustong gusto ko tay. Sobrang gusto ko. Pero hindi ko po alam kung paano sa sitwasyon namin ngayon.”

“Andyan lang sa puso mo ang paraan anak. Masyado lang natatabunan ng takot. Pero, kung talagang mahal mo sya , alam mo kung ano dapat ang desisyon na dapat na piliin mo, na gagawin mo. At kung ano man yun,alam kong yun ang mas makakabuti para sayo at pati rin sa kanya.”

PagtakboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon