Bata pa lang ako mahilig na ako mag-alaga ng hayop kahit na binabawalan ako ng mga magulang ko. Pero sa lahat ng gusto kong alagaan ay Pusa. Ayaw ng mga magulang ko sa Pusa dahil may Hika ako. Ako nga po pala si Andrew Ramos, ang mga magulang ko ay sina Ginoong Angelo Ramos at Ginang Andrea Ramos. Kasalukuyang ako'y 3rd Year Highschool Student at hanggang ngayon inaalagaan ko pa rin si Lucy. Si Lucy ay ang alaga naming pusa simula nung ako ay siyam taong gulang pa lamang. Siya ay may malambot at makinis na puting balahibo at siya rin ay may nagagandahang asul na mga mata.
Noong bata pa lamang ako napunta kami ng aking Mama sa isang rehabilitasyon ng mga pusang inabandona ng mga amo nila. Nakakaawa ang lagay ng mga pusa nandoon dahil yung iba may pilay ang paa, maraming sugat sa katawan at yung iba naman ay may mga sakit. Sa aming paglilibot ng rehabilitasyon ng mga pusa, nakikita ako ng pusa na may puting balahibo at asul na mga mata. Siya ay tahimik at mahina ang pangangatawan dahil nga raw mahina ang baga nito. Ngunit sabi naman ng beterinaryo ng rehabilitasyon ng mga pusa na may malaking pag-asa na gumaling ang pusang nais kong alagaan, kailangan lamang ito painumin ng gamot araw-araw at mabigyan ng bakuna kontra sakit taun-taon.
Sinabi ko sa aking Mama na kunin na namin at iuwi na yung pusa, ngunit sabi niya "baka bumalik yung hika mo anak". Paliwanag ko naman sa aking mama "magaling na po ako mama di po babalik ulit yung hika ko". Sabi naman ni Mama sakin "Kakausapin ko muna yung Papa mo tungkol dito anak ha!" Wala akong nagawa kundi sumang-ayon na lang sa sinabi ng aking Mama at umuwi na kami ng bahay. Pag-uwi namin ng bahay, iyak ako ng iyak dahil hindi pa namin naiuwi ang pusang gustong-gusto kong alagaan. Kumatok ang Mama ko sa pintuan ng kwarto ko at inaya na ako na kumain ng hapunan. Binuksan ko ang pintuan at agad na nagsabi sa Mama ko na bababa na ako after 5 minutes. May tinanong ang Mama ko sakin "Anak umiyak ka ba?" sagot ko naman sa kanya "Ma wala lang po ito, napuwing lang po ako." "Sige anak bumaba ka na agad at naghihintay na ang Papa mo, may sasabihin siya sayo." Pagkasabi na pagkasabi ni mama sakin nun, nagkaroon ako ng pag-asa na pumayag na si Papa na magkaroon kami ng alagang pusa.
Bago ako bumaba ng kwarto, naghilamos muna ako sa C.R ng kwarto ko para hindi nila makita na umiyak ako. Pagbaba ko andun na sina Papa at Mama, nagulat ako dahil may nakita akong cage ng hayop. Hindi ako nagkakamali andun na nga yung pusang gusto namin iuwi ng mama ko kanina. Labis ang saya at pasasalamat ko kay Papa, dahil di siya nagkamali sa desisyon na kunin at ampunin namin ang pusa na nasa rehabilitasyon. Sinabi ni Mama na "Anak mamaya mo na tignan at buksan ang kulungan ng pusa kumain muna tayo ng hapunan" tugon naman ni Papa "Anak maghugas ka na ng kamay at kakain na tayo." "Sige po Pa" tugon ko. Nagdasal muna kami bago kumain, ako ang nanguna sa pagdadasal nagpasalamat ako sa blessings na natatanggap namin sa araw-araw. Pagkatapos namin magdasal agad na kami kumain. Habang kami ay kumakain may paalala yung Papa ko sakin tungkol sa pag-aalaga sa pusa namin. "Anak huwag mo hahayaang makalabas ng bahay yan ha! Baka may mga taong mag-interes diyan at hindi na ibalik sayo." "Anak huwag mong kakalimutan na pakainin yan at dapat laging may tubig siyang iinumin at higit sa lahat wag kakalimutang painumin ng gamot." sabi ni Mama sakin. Opo susundin ko po lahat ng bilin nyo po sakin Ma at Pa.
Tumulong ako sa paghuhugas ng pinagkainan namin kasama si Mama. habang kami ay naghuhugas tinanong ako ni Mama " Anak anong ipapangalan mo sa pusa?" "Lucy po ang ipapangalan ko sa kanya, kasi po kasing ganda ng diamante ang kinis ng kanya pong puting balahibo" tugon ko sa tanong ni Mama. "Anak parang Lucy in the sky of diamonds ba?" sabi ni Mama. "Ganun na nga po mama" sagot ko sa tanong niya. "Anak paalala ko lang ituring mo na parang kapatid mo yang si Lucy ha!" Opo Ma ituturing ko na po siyang tunay na kapatid. Pagkatapos namin maghugas ng plato agad akong pumunta sa kulungan ng pusa at binuksan ito. Dahan-dahan akong lumapit dito, kitang-kita ko sa mga mata ng pusa na takot pa siya sakin at tila naninibago siya sa lugar. Pinaamo ko ito sa paghimas ng ulo niya at saka ko dahan-dahang itong binuhat.
BINABASA MO ANG
I MEOW You (One Shot Story)
Short StoryIstorya ng pagmamahal ng amo sa kanyang alagang pusa. Muli niya kayang makikita ang matalik niyang kaibigan na nawalay sa kanya ng apat na taon at maamin niya ba ang tunay niya nararamdaman dito.