Crush

24 1 0
                                    

Crush minsan inspirasyon,
Minsan distraksyon,
Depende na lang sayo,
Kung ano ang pipiliin mo?

Crush ay isang paghanga,
Minsan lumalala,
Kapag masyado natin siyang hinahangaan.

Crush ngitian ka lang
Nagiging masaya ka na agad,
Kapag nakikita mo siya,
Nagiging buo ang araw mo.

At kapag hindi mo siya nakita,
Nagiging malungkot ka.
Nadidismaya ka.
Ganito na ba talaga ang epekto niya?

Ganito ba talaga kapag may hinahangaan ka?
Nagiging masaya ka lang,
Kapag nakikita mo siya at
Nagiging malungkot ka kapag wala siya.

Makatabi mo lang siya,
At makausap ka lang niya,
Nagiging masaya ka na.
Kikiligin ka.

At kapag wala siya,
Hahanap hanapin mo,
At kapag andyan naman,
Umiiwas ka kasi nahihiya ka.

Pag-ibig nga naman.
Dati paghanga lang,
Ngayon naging pag-ibig na.
Sana lang maging Crush din ako ng crush ko.

What's on my mind?Where stories live. Discover now