Noong una kitang nakita,
Hindi ko akalain na mahuhulog ako sayo,
Hindi pa naman kasi kita kilala noon,
Hindi ko pa alam ang pangalan mo.Sa paglipas ng mga araw,
Nalaman ko ang pangalan mo.
At hindi nagtagal nahulog na ang loob ko,
Nabihag mo ang puso ko.Sa tuwing nakikita kita,
Tuwang tuwa ang puso ko.
Nangangarap na mapansin mo,
Nangangarap na ngitian mo.At hindi nagtagal,
Natupad ang pangarap ko,
Na mapansin at mangitian mo,
Naging masaya ang puso ko.Sa tuwing nagkakasalubong tayo,
Bumibilis ang tibok ng puso ko.
Lalo na kapag tumitingin ka sakin at nginingitian mo,
Para akong nakalutang sa ulap sa tuwa.Naging inspirasyon kita,
Mas lalo akong sinisipag pumasok ng dahil sayo,
Mas nagpupursige akong mag-aral dahil sayo,
Ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito ako.Akala ko pareho tayo ng nararamdaman,
Kasi yun ang sinasabi ng mga kaibigan ko,
Kasi yun ang nakikita nila,
Kasi iba yung mga ngiti mo.Pero nagkamali ako,
Umaasa lang pala ako,
Umaasa sa mga sinasabi nila,
Umaasa sa mga ngiti mo.Hindi nagtagal nalaman ko na may gusto ka ng iba,
Pinipilit ko ang sarili ko,
Na kalimutan na ang nararamdaman ko,
Dahil masakit ang umasa pa.
YOU ARE READING
What's on my mind?
PoetryIt' s just ka-ek-ekan. hahaha. I hope na magustuhan niyo. Comment if you want para malaman ko kung maganda o hindi. Thanks :D