Kaibigan

15 0 0
                                        

Maraming klase ng kaibigan,
May tunay na kaibigan,
May plastik na kaibigan,
At may kaibigan na nandyan lang kapag may kailangan.

Kahit ang saklap man pakinggan,
May mga kaibigan pa din na,
Nandyan para damayan ka,
Na hindi ka iiwan.

At siya yung nandyan,
Kapag may problema ka,
Kapag masaya ka,
At kapag malungkot ka.

Siya yung karamay mo,
Kapag down na down ka,
Kapag kailangan mo ng advise,
At kapag wala ka ng kasama.

Hindi-hinding ka niya iiwan.
Yan ang tunay na kaibigan,
Kahit anong mangyari,
Nandyan pa din siya sa tabi mo.

Umulan man o umaraw,
Dumating man ang madaming pagsubok,
Nandyan pa din siya,
Para tulungan ka.

Maswerte ka kapag may ganyan kang kaibigan.
Yung palagi kayong masaya,
Yung wala kayong pakialam,
Basta magkakasama kayo.

May pagkakataon man na nagkakatampuhan,
Hindi yun mawawala sa mga magkakaibigan,
Pero hindi matatapos ang araw na hindi sila magbabati.
Dahil hindi nila kaya na magkagalit sila.



What's on my mind?Where stories live. Discover now