❇ CHAPTER 18 ❇

625 14 0
                                    

*Katy...

Papasok na kami ngayon ng school. Hay.. Araw-araw na kailangan maaga magising kasi bawal ma late.

Nag- stretching muna ako kasi kakagising ko palang. Nilagyan ko muna ng pag-kain ang kainan ni katy pati na rin ng tubig. Dumiretso ako sa CR ng kwarto ko. Sa lahat ng parte ng kwarto ko na Puro itim. Ang banyo ko ang  kulay puti. Bakit? Kasi, para magising ako sa liwanag ng banyo. Kagaya ngayon gising na diwa ko.

Lumabas na ako matapos kong maligo at mag-bihis.

Gising na nga ang diwa ko Pero pagod pa rin ako. Bumagsak ko ang katawan ko sa kama at pinikit ang mata ko.

*click*

Mabilis kong kinuha ang kunai sa study table na katabi ng kama ko at binato yun sa may pintuan.

*blaaag*

Narinig ko ang pag-sarado ng pinto.

"Nica naman eh! Gising ka na!!!!"-Xia.

Oh, si Xia pala yun.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto.

" Hindi mo ba nabasa ang sign ko? Ang sabi 'Do not enter. Or else you'll be in danger."-me

"Oo sa susunod  hindi na ako papasok sa kwarto mo."-Xia.

----

Sumakay na kaming tatlo sa kotse at pina-harurut iyon papuntang school.

Shet. Male-late na kami.

Kaya lang naman ako ngayon nag-mamadali dahil nga sabi ni Tita..

Ililipat nya kaming tatlo ni Xia at Miya sa may class A. Kami kasi ang kasali sa mga nag-top sa show off.

At ang Isa pa, kasi yung seating arrangement!! Ayaw ko sa unahan!!

Nag-drift ako at nag-brake sabay takbo papuntang room. Nung nasa hallway na ako papuntang room ay..

*Blaag*

" Aray naman! Tanga mo naman! Dyan ka nga bwiset ka!"-me

Sabi ko habang tumatakbo papuntang room.

Hindi ko sya tiningnan at dire-diretso akong pumasok ng room.

Hay salamat.. Wala pang estudyante.

Ang totoo nyan Hindi pa talaga kami late sa time. Late nga lang kami sa time ko.

Kasi ang goal ko ay makapasok ng wala pang estudyante para makapili ako ng magandang pwesto.

Syempre yung nasa pinaka-dulong-dulo yung pinili ko yung nasa 2 row. Kasi kapag yung todong huli na sa linya ay makikita agad ako ng Prof at sisigawan ako. Kaya yung sa 2 to the last.

Pinatong ko ang bag ko sa isang upuan at paa naman sa Isa.

Dyan uupo yung dalawa.

Dahil tahimik pa at walang estudyante.

Time check√ 6:58 am.

Oo ang aga pa noh? 8 ang pasok namin eh.

Binagsak ko ang ulo ko sa mga braso ko at nag-alarm ng 8. Maka-tulog muna.

*ZZZZZZzzZzzzzZzzzZZZZZzzzzzzzzzzzzZ..*

Ang ingay.. Naman. Pinatalas ko muna ang senses ko at pinulot ko muli ang mga mata ko.

*shing*

Mabilis kong pinigilan ang pag-tama sa akin ng isang kunay gamit ang isang ball pen. Yung ordinary lang kaya naputol yun.

Bumagsak naman yung kunai sa may sapatos ko kaya tinaas ko yung paa ko para maabot yung kunai.

*catch*

Mabilis kong pinatama ang ang ball pen na sira sa lalaki at sinunod ang kunai para Hindi nya pag-tuunan ng pansin ang kunai.

Iniwasan nya ang ballpen Pero Hindi nya naiwasan ang kunai kaya nasugatan sya sa may bandang tuhod.

Nag-smirk lang ako sa kanya tapos umupo na uli ako.

"Ikaw. Babaeng nabangga ako kanina. Yung babaeng mura ng mura yung babaeng mahilig sa pusa!"-Him

Napansin ko naman na naka-maskara sya at naka-sibilyan. Pansin ko rin sa mga kaklase ko na ang tatahimik.

"Mag-iingay nga kayo! Para kayong tanga takot kayo dyan?"-me

"Tsaka ikaw. Ano bang Pake mo?"-me

Hindi naman sya sumagot.

" Umalis kana. Puma-panget ang view. Hindi ka Pogi. Pasalamat ka at may nag-bigay ng kuting sa akin kahapon kaya good mood ako. Pero kung mukha mo ang makikita ko masisira ang good mood ko kaya... Umalis kana."-me

Ang haba ng speech ko. Whew.

"I own this scho---"

"Wala akong pake. Kaya dapat ikaw din kung ayaw mo ng gulo at lalong pumangit ang mukha mo na tinatago mo sa maskara mo."-me

Lahat naman ng kaklase ko eh napa-gasp.

Tumungo nalang ulit ako at hinintay na dumating ang prof namin.

----

Tapos na ang class time!!! Uwian na!!!

Makikita ko na uli si katy!!

" Uy, Nica. Hindi mo ba talaga kilala yung lalaki kanina?"-Miya.

"Paki ko ba dun?"-me

" Ahh nga pala, ano yung pusa na sina-sabi mo? Pwede bang Makita?"-Xia.

"Oo naman"-me

Mabagal lang ang pag-drive ko ngayon. It means sa normal na tao.. Mabilis na. At kapag mabilis na ako mag-patakbo ay pang-nag-da-drag race na sa normal na tao. At kapag nag-mamadali means.. Kulang nalang lumipad ang kotse ko sa sobrang bilis.

Nang maka-baba kami ay naka-hinga ng maluwag ang dalawang babae.

" Bakit?"-me

"Buti naman Hindi mo na pinalipad yung sasakayan mo."-Xia.

" oo nga akala ko mamatay na ako kaninang umaga eh."-Miya

"Tara na bilis! Yung pusa nag-aantay na."-Xia

Mabilis kaming dumiretso sa kwarto ko Pero pinag-antay ko lang sila sa labas. Bawal nilang Makita yung kwarto ko.

Kinuha ko si Katy na tulog at binuhat palabas. Mgaisang elbow lang yung haba nya.

Kulay puti yung balahibo nya. Sigurado akong mahal toh. Kaya kung sino man ang nag-bigay nito. Thank you.

Endangered na rin kaya toh.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang nakatalikod na si Miya at Xia.

" Guys.. Hetoh na sya!!"-me

Lumingon naman sila at bakas naman sa mukha nila ang pag-kagulat.

"Guys meet Katy."-me

Devil's Cat Queen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon