"Hoy babae! Saglit lang! Manlilibre ka pa uy!" Hahahaha ang kulit talaga nun ni Josh.
"Che! Bahala ka diyan!" Pinagti-tripan ko kasi. Hahahahaha.
"Grace! Saglit lang! Ang bilis mo tumakbo!" So ayun. Huminto ako. Hingal na hingal ang loko. >.<
"Ano ba problema mo Grace?" Sabi niya habang hinihingal. "Sorry na kung may nagawa man ako."
"Wala ka namang ginawa eh. Pinagtitripan lang kita. HAHAHAHA" Ang loka ko noh? Hehehehe.
"Tss. Bahala ka nga diyan!" Sabay walk out.
Hala. Nagalit na. Pero syempre, sinundan ko. Bestfriend ko yun eh! Sa totoo lang mahal ko yan. Crush ko. Hindi ko lang maamin sakanya. Sabi niya kasi may gusto siyang girl. Liligawan nga daw niya eh. Sad diba?
"Josh! Sorry na. Joke lang naman yun eh." *pouts*
"Hays. Oo na. Pinapatawad na kita. Hindi naman kita matitiis eh."
"Yey!"
"Hahaha ang cute mo talaga." Sabi niya.
"Ano sabi mo?"
"Wala. Halika na"
"Saan?"
"Sa canteen. Diba ililibre mo pa ako?" Ay sows.
---------------------------------------------
KinabukasanEto na. Papasok na ako ngayon. Hindi ko pa nakikita si Josh. Ngayon sa classroom, wala pa siya.
"Good morning class." Sabi ni miss Dy
"Good morning miss!" Sagot ng klase.
Wala pa si Josh. Baka late yun. Never pa yun na-late. Perfect attendance siya noon palang . Hindi ako maka-focus sa sinasabi ni miss. Nag-aalala ako kay Josh.
/////////
"Class dismissed" sabi ni miss
Lumabas na ako ng classroom. Pupunta sana ako sa CR kaso may biglang humatak sakin. Si Red, kaklase ko.
"Red! Aray! Masakit na!" Pumipiglas ako sakanya. Kaso hindi ako makawala. Hindi naman niya ako kinakausap. Patuloy niya lang akong kinakaladkad. Palabas na kami ng building. Huminto kami sa gitna ng field. Tapos bigla ba naman akong tinakbuhan.
"Red!!!" Naiinis na ako. Pawis na pawis ako ngayon. Ano ba kasi trip nun? Kabwisit.
//////////
Papasok na ako ng bahay. Nakasarado lahat ng ilaw. Walang tao. Umakyat ako sa kwarto ko. Nang biglang napansin ko na may petals of roses na nakakalat sa kuwarto ko. Nung nilapag ko ang ang bag ko sa kama, biglang may yumakap sa likod ko.
"Josh? Bakit ka nakayakap? Ano ito? Bakit may ganito?" Nagtatakang sabi ko.Pinaharap niya ako sakanya. Tapos bigla siyang lumuhod.
"Josh ba-" bago pa niya ako patapusin nagsalita na siya.
"Grace, matagal ko nang tinatago itong nararamdaman ko. Nahihiya lang ako aminin. Akala ko kasi may iba kang gusto." Biglang tumulo luha ko. "Kaya Grace. Will you be my girlfriend?"
0.0
"OMG!! Oo Josh! Yes! Yes! Yes!" Tawa siya ng tawa dahil ang saya ko daw.
Pagkasuot niya sakin ng singsing, tumitig lang siya sakin. Bumibilis ang tibok ng puso ko. At sa oras na yun, he sealed the gap between us. He kissed me slow and passionately.