Bakit ganon?
Bakit siya ang pinili mo?
Bakit mo ako iniwan?
Minahal mo ba talaga ako?
"Hindi ko na kaya." I whispered,laughed and screamed.
Naka-bakasyon ako ngayon. Umalis ako mag-isa. Ayoko maka-usap ang kung sino-man ngayon. Saktong walang tao yung resort dahil may mga pasok . Nag-absent nga ako dahil hindi ako maka-focus. Ang sakit lang talaga dahil iniwan niya ako.
Flashback
Naglalakad ako papasok ng classroom. Pagkapasok ko, nakita ko ang boyfriend ko.... Nakikipaghalikan.... Sa kanyang ex. Pinapanuod ko sila. Tulala ako dito. Yung puso ko na parang dinudurog. Nang nakita nila ako...
"Rose? Kanina ka pa ba dyan?" Sabi ni Zach. Si Betty-ex niya- naman ay naka ngiti na parang nanunukso. Hindi ako umimik. Tumulo lang ang luha ko. Wala akong masabi.
"Rose" papalapit siya sakin. Umaatras ako. Ayoko ng ganito. "Sorry Rose. Mahal ko pa si Betty."
At doon hindi ko na napigilan ang galit ko. Nasampal ko siya ng madaming bases.
"SABI MO MAHAL MO AKO! BAKIT SIYA ANG PINILI MO! BAKIT?!!" Patuloy parin ako sa pag palo sakanya.
"I'm sorry. I'm sorry." Paghihingi niya ng tawad niya habang umiiyak siya.
"Magsama kayo!" Sigaw ko. "Wag na wag niyo na akong guguluhin ulit!" At sa mga oras na iyon umalis na din ako.
End of flashback
It has been a week since that happened. Hindi parin ako maka-move on. Ang sakit parin. 2 years tinagal namin. At 2 years niya din pala ako niloloko. Sana h--
"Rose!" Sigaw ng isang lalaki. Hinahanap ko kung nasaan ang sumigaw. Tapos nakita ko na. Tumatakbo siya papunta sakin.
"Rose! Mag-usap tayo please!" Nang makita ko na ang mukha niya. Ngayon ko lang na-realize na si Zach pala. Malapit na siya sakin. Tumakbo ako palayo papunta sa bahay na ni-rent ko.
"Rose!!!!" Sigaw niya. Nakalayo na din ako. Nakapunta na ako sa loob ng bahay. Kaso--
*tok tok tok tok tok*
"Rose! Papasukin mo ako! Mag-usap tayo please!"
Nagtago ako sa kwarto. Hindi ko alam gagawin ko. Nakita ko yung lubid na binili ko. Plano ko talagang magpakamatay dito, para walang makakaalam. Inayos ko na yung lubid.
*blag*
Nasira niya na ata yung pinto.
"Rose! Asan ka!"
Tumutulo na luha ko. Tumungtong na ako sa upuan at itinali ang lubid sa leeg ko. Magpapabitin na ak---
"Rose... Kung nasaan ka man. Patawarin mo ako. Minahal kita. Nang-block mail si Betty. Kapag hindi daw ako nakipaghiwalay sayo ay ipapapatay ka daw niya." *sniff* "Rose... Ang tanga tanga ko! (A/N: Sorry for the word.) sana hindi kita iniwan... Sana linayo nalang kita. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng tunay. Patawarin mo ako. Mahal na mahal kita Rose.."
Nanlambot ang puso ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa, malulungkot o magagalit ako. Pupunta sana ako sa labas ng kuwarto. Hindi ko namalayan na nakapalibot sa leeg ko ang lubid. Kaso sa sobrang pagka-excite kong makita siya. Bigla akong nadulas.
*blag*
---------------------------------------------
How was the stories?Masaya ba? Lolz
I would love to get some feedbacks :)
Thanks for reading!