* * Celest * *
Alas siete na ng gabi ng makabalik sila ng Manila. Mabuti na lang at may flight ang AirPhil, ang airline company na pagmamay-ari ng pamilya ni Celest, last time kasi ay sa iba sila nakasakay kaya naman tinulog na lang niya ang byahe.
AirPhil is one of the biggest airlines in the country, it caters from the economy class to the first class passengers price wise pero wala naman pinagkaiba sa service. They make sure na kahit ikaw ang nagbayad ng pinakamurang pamasahe ay tiyak na aalagaan ka ng mabuti. Dahil na din siguro sa kasanayan ay hindi siya kumportable sa ibang airlines. Their flight back to Manila was smooth sailing, nakipagkwentuhan pa siya sa mga flight stewardess na kilala niya.
"Hey, question." Tanong niya kay Aidan habang tinutulak nito ang cart na punong-puno ng mga gamit nila at mga pasalubong.
"Yup?"
"Where are we going to stay?" Kagabi pa niyang iniisip iyon. Alangan naman kasing sa bahay ng parents niya o kaya naman ay sa bahay ng parents ni Aidan. That'll feel so awkward if ganoon.
"I do have an answer for that. We'll be staying sa bahay natin." He said bago ito tumigil sa waiting area ng arrivals.
"Bahay natin? Saan naman yun? Bakit di ko to alam?" Nagtataka naman kasi siya. She should know this lalo na at palagi naman silang magkasama ni Aidan. Sino bumili ng bahay nila?
"Sa New Manila. Your parents gave us the house. Dowry." Napatango na lang siya. Kaya naman pala. Katulad din ng mga magulang ng Mama niya ay bahay din ang ibinigay ng mga ito kay Aidan.
"Are we going there now?"
"Oo, napalinis ko na iyon pero wala pa halos laman kasi hindi pa tayo nakakapamili. Baka kama pa nga lang ang andun eh." nakangiti ito sa kanya.
Maya-maya ay may dumating na isang bagong itim na Ford Explorer. Bumaba mula doon ang driver ni Aidan na si Manong Johnny. He drove Celest a couple of times kapag hindi siya kayang masundo ni Aidan. Tinulungan sila nito na maglagay ng mga gamit sa likuran ng sasakyan. Noong matapos ay inalalayan na siya ni Aidan na sumakay sa likuran matapos niya ay tinabihan siya nito.
"Tinawagan mo na ba sina Mama?" He was referring to Celest's mom.
"Yup, told them na we'll see them ng dinner bukas, then I called Mama, your mom, para sabihan na din sila." She checked kung may nakalimutan pa siya bago ngumiti sa lalaki.
He too just smiled at her bago sumandal sa balikat ni Celest at pumikit. Para naman naging estatwa si Celest ng sumadal ito. She tried her hardest para naman hindi niya maabala ang pagtulog nito. He looked tired kaya naman pinilit niyang kumalma para hindi siya maging malikot at makatulog ng maayos ang asawa.
After an hour and a half at isang katerbang traffic ay nakarating na sila sa bahay na sinasabi ni Aidan. Noon lamang nagising ang binata at agad na bumaba sa pintuan at muling inalalayan siya. Malaki ang bahay na iyon, hindi para sa dalawang tao lang. Kahit ata isang pamilya na may sampung miyembro ay makakatira doon ng matiwasay. May matatasas itong bakod at isang malaking driveway. May garahe din na kasya ang dalawang sasakyan. Nandoon na ang kanyang puting Fortuner, bagay na ikinatuwa niya. Pagpasok naman sa naglalakihan nitong front door ay makikita ang malaki at maaliwalas na living area na wala pang kalaman-laman, may mga naglalakihang bintana at mataas na ceiling na tagos hanggang sa second floor. Over looking naman ang second floor sa baba.
Nagtungo naman si Celest sa dining area kung saan wala pa ding dining table. Pagpasok naman niya ng kusina ay tanging isang stool ang nandoon. Bago umakyat ay lumabas muna siya sa bakuran kung saan may isang bilog na pool na may jacuzzi sa gilid. Malawak iyon at mukhang kayang mag-accommodate ng party para sa higit bente katao.
BINABASA MO ANG
Love Me if You Can | ✅
ChickLitBFF Series #1: Celestine S. Lim Bata pa lang si Celest ay alam na niya ang magiging takbo ng buhay niya. She will go to an all-girls school, she will get good grades, she will go to a good college and take up a business related course and lastly, sh...