Prologue

41 6 5
                                    


Tahimik ang buong interrogation room. Walang ibang maririnig kundi ang ugong ng airconditioning unit na nagbibigay lamig sa trese-anyos na si Carlisle Rozan. Blangko ang tingin niya sa mesang nasa harapan niya.

Ilang saglit pa'y pumasok sa loob ng kuwarto si Inspector Timothy Cirillo.Hawak niya sa kanyang kamay ang isang folder. Saglit siyang tumitig kay Carlisle bago umupo sa kabilang dulo ng mesa.

"Ako nga pala si Inspector Timothy Cirillo. Iniimbestigahan ko ang insidenteng nangyari sa Hacienda Rojo kahapon."Bumuntong-hininga si Insp. Cirillo."Sa'n mo gustong magsimula, Carlisle Rozan?" wika niya habang binubuklat ang laman ng folder. Tumingin siya sa kausap, pero nanatiling tulala ito.

Nagpatuloy si Inspector Cirillo."Isa ka sa mga naabutan ng mga pulis sa crime scene kasama ang mga kapatid mong si Asher at Sophia Rozan. Maaari mo bang ipaliwanag ang mga nangyari bago kami dumating?"

Nanatiling tikom ang bibig ni Carlisle.

Binuksan ni Insp.Cirillo ang folder. Ipinakita niya ang mga naka-file na litrato sa loob."Yan ang mga patay na nakita namin sa Hacienda Rojo. Ano ba ang nangyari sa kanila? May kinalaman ba si Kuya Asher o Ate Sophia mo?"usisa niya sa dalaga.

Umiling si Carlisle. Blangko lang ang tingin niya sa mga kahindik-hindik na imaheng iyon. Ni hindi siya nadidiri.

"Pwes, anong nangyari?" Bahagyang tinaasan ni Insp. Cirillo ang kanyang boses upang mapilit si Carlisle na magsalita."Meron kaming narecover na patalim, pero hindi nagmatch ang mga fingerprints doon sa fingerprints mo o sa mga kapatid mo."

Wala pa ring reaksyon si Carlisle. Saglit siyang tumingin kay Insp. Cirillo ,at saka idinako ang paningin sa salamin na nasa isang panig ng kuwarto. Kita niya ang kanyang repleksyon doon.

Unti-unting gumuhit sa mga labi niya ang isang ngiti.

Bigla na lamang siyang tumango, na para bang may ibang nakikita sa salamin.

Inis na tumayo si Insp.Cirillo. "Wala akong oras upang makipaglaro, Carlisle. Sabihin mo kung anong nangyari sa Hacienda Rojo upang maging malinaw ang lahat!" Hinampas niya ang mesa upang "gisingin" si Carlisle.

Pero gising na gising ang diwa ng dalaga. Hindi man lang siya nagitla sa ginawang paghampas ng Inspector sa mesa.

Tuluyang naubos ang pasensya ng pulis. Itinupi niya ang mga manggas ng kanyang uniporme.Ibinalibag niya ang upuan at ubod-lakas na ibinato ito sa pader. Lumapit siya kay Carlisle. Kinuwelyuhan niya ang dalaga. "Magsalita ka!!!" sigaw ni Insp.Cirillo. Itinulak niya sa sahig ang bata. Binunot niya ang kanyang baril at itinutok kay Carlisle."SALITA!!!"

Nanatiling tikom ang bibig ni Carlisle.

Pero sa pagkakataong ito, iba na ang ekspresyon niya.

Ang kanina'y blangkong mga mata ng dalaga ay napalitan ng umiigting na galit! Matalim niyang tinitigan si Insp.Cirillo.

Nararamdaman ng pulis na tila tumatagos sa kaluluwa niya ang titig na 'yun! Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ewan niya kung bakit parang iba na ang nasa harapan niya. Hindi namalayan ni Insp.Cirillo na inihahakbang na pala niya pabalik ang mga binting nanginginig sa takot.

Nag-ibayo pa ang kaba ni Insp.Cirillo nang magpatay-sindi ang mga ilaw sa kuwarto. Sa tagal ng panahong iginugol niya sa serbisyo ay ngayon lang siya nakadama ng matinding nerbyos.

"A...anong nang...nangyayari?"

Hindi nagdalawang-isip ang pulis kundi tumakbo papunta sa pinto.

Walang anu-ano'y lumipad papunta sa kanya ang upuang ibinato niya kanina! Bagsak siya sa sahig. Nabitawan niya ang kanyang baril. Kinapa niya ang kanyang noo at nasalat ang dugong lumabas doon.

Nanginginig na iniangat niya ang kanyang ulo.

Napalunok na lamang si Insp.Cirillo nang magtama ang mga mata nila ni Carlisle. Mas nakita niya sa malapitan ang kanyang mga matang punong-puno ng galit! Halos tawagin na ni Insp.Cirillo ang lahat ng mga santo maalis lamang siya sa sitwasyong iyon.

"Gusto mong malaman kung anong nangyari,Inspector?" Sa wakas ay nagsalita na si Carlisle."Sige,ipaparanas ko sa'yo."

Unti-unting itinaas ni Carlisle ang kanyang mga kamay. Walang kakurap-kurap niyang tinitigan ang pulis na nakasiksik na sa sulok sa sobrang takot. Tumayo si Insp.Cirillo at pinihit ang doorkob, pero hindi niya ito mabuksan. Hanggang pagsisipain na niya ang pinto makalabas lamang siya."Buksan niyo 'tong pinto!!!"

Bigla niyang naalalang may baril pala siya. Agad niyang pinulot ang kanyang baril sa sahig.

Hindi pa man niya nahahawakan ang baril nang kumilos ito palayo nang mag-isa!

Kasabay niyon ay ang biglaang pagpatay ng mga ilaw sa loob ng kuwarto.

Ilang segundo ng katahimikan at kadiliman...

Biglang pumunit sa kalaliman ng gabi ang isang sigaw.

Sigaw mula kay Inspector Cirillo.

Kung ako ang tatanungin, mabuti nang namatay ang mga ilaw sa kanyang huling sandali.

Isa lamang ang nakakaalam kung ano mismo ang nangyari sa loob ng interrogation room.

Si Carlisle Rozan...

Nang bumukas ang mga ilaw ay wala na siya. Bukas na ang pinto.

O mas akmang sabihin, wasak na ang pinto.

Nang rumesponde ang mga kasamahang pulis ni Insp.Cirillo ay naabutan nila ang mga duguang bakas ng sapatos na papalabas ng police station. 

At walang nakakaalam kung saan nagpunta si Carlisle Rozan.

CarlisleWhere stories live. Discover now