Chapter 4

1.9K 68 1
                                    

A/n : Ok dedicated to kay KeiraLeyGo3. Haha siya kasi nakahula kung ilang taon na ako ✌👍

Chapter 4

***

Kath's POV

        KANINA pa ako pagulong-gulong sa kama ko dahil hindi ako makatulog..

Tinignan ko naman ang orasan. 11:25 na, tsk.

Dahil hindi naman ako maka-tulog ay bumangon ako ng kama at kumuha ng leather jacket na black dahil nga naka-sando lang ako.

Napag-pasyahan ko nalang na pumunta ng Seven Eleven kesa naman mamatay ako sa sobrang kabagutan dito. -_-

Dahan dahan akong lumabas ng mansion para walang makakita.

Ng makalabas ako ng mansion ay naglakad nalang ako papunta sa pinaka-malapit na Seven Eleven.

Pagdating ko doon ay halos wala ng tao dahil gabing gabi na..

Um-order na lang ako ng isang cup noodles at isang chocolate. Inuna kong kainin yung cup noodles.

Pagkatapos kong kainin yung cup noodles ay binayaran ko na yung binili ko at lumabas na para bumalik na sa mansion.

Habang naglalakad ako ay kinakain ko yung chocolate na binili ko kanina. Masarap naman siya.. Tama lang yung tamis.

Ilang minuto na akong maglalakad ng may maramdaman akong mga presensya. 'mga' dahil marami sila. Malakas kasi ang senses ko kaya naramdaman ko ang presensya nila.

Pinuntahan ko ang pinagmumulan ng presenysa hanggang makarating ako sa isang eskinita.

Dumiretao ako sa eskinita ng makarinig ako ng mga tunog ng suntok kaya patago akong sumilip..

Nakikita kong may tatlong lalaki na nakikipag suntukan sa isang lalaki.

Or should I say na pinag-tutulungan nilang tatlo yung lalaki? I guess I'm right.

Pinanood ko nalang sila ng hindi nila nahahalata. Tinago ko ang presensya ko para hindi nila maramdaman na may tao dito.

Sumilip ulit ako at nakita kong sinuntok ni 'Guy 1' yung lalaki na pinagtutulungan nila. Pero nakailag yung lalaki at siya naman ang sumuntok.

Sakto sa mukha nung 'Guy 1' tumama yung suntok kaya napa-atras naman siya. Tsk. Weak.

Ok, tawagin nalang natin yung nag iisang lalaki na 'Stranger' ...

Sunod namang sumuntok si 'Guy 2' kay 'Stranger' pero sinalo lang niya ang kamao nun at pinilipit niya kaya napasigaw naman si 'Guy 2' sa sakit.

Para siguro makaganti, sinuntok ni 'Stranger' si Guy 3 sa mukha at tinadyakan sa tuhod kaya napaluhod ito.

Napangiwi ako ng kaunti. May pagka-brutal din pala ang lalaking 'toh. -.-


"P*ta. Makakaganti din kami sayo sa susunod!!" Sabi ni 'Guy 1' at tumakbo kasama yung dalawa pang lalaki. Naiwan naman si 'Stranger' sa eskinita.

Gangster Queen [ON HIATUS]Where stories live. Discover now