chapter one

31.4K 266 9
                                    

"Hindi ko matatanggap ang pangyayari na ito . Sisiguraduhin kong iiyak ang walang halagang babae na yan ." Bulong ni franz at napaTiim bagang . Ika tatlong araw na ng lamay ng kanyang ama na nakalagak sa redondo funerals . Habang inaasikaso nya ang pagpapalibing sa kanyang ama ay kasalukuyang pinapahanap nya ang babaeng sumira sa kanyang ama at naging dahilan ng pagkamatay nito .

Ang kanyang ama .

Napangiti ng mapait si franz . Naaalala pa nya noong buhay pa ang kanyang ama masaya sila kahit malayo ang loob nila sa isat isa . Kahit hndi ito naging perpektong ama para sakanya alam nyang mahal sya nito . He was a really good man . His mentor . His creator . Ito ang nagturo sknya upang maging isang successful na bussiness man .

He now own a huge factory . Bukod pa sa mga pinamana sa kanya ng kanyang nasirang ama nakapagpatayo sya ng mga factory na nag eexport ng mga muwebles na gawa sa kahoy . Naalala nya ang mga sandali na Ang kanyang ama na noon ay napakalakas pa . But when this worthless girl came to his fathers life unti unti na itong nging matamlay naging sakitin at ngaun nga ay ito . pinaglalamayan na ang kanyang ama .

Ang alam nya ay matatag ito . A man who has his dignity and integrety . A man with his own words . Pero bigla bigla na lang dahil sa isang babae His father commited suicide .
Dahil lang sa isang babae .

That bitch !! I swear she will regret that she was born. I will make her life a living he'll.

"Damn" mahinang usal nya habang nakatitig pa din sa casket ng kanyang ama .

Naalala niya ang mga panahon na nabubuhay pa ito . Kahit Wala itong oras para sakanya ito lang ang naging kakampi nya .. ang kanyang ina naman ... ay noon pa man ng isilang sya sa mundo ay hindi siya tinapunan man lang ng tingin . Lagr itong naka angil saknya . hindi nya maalala na itinuring syang anak nito .

Isa lang ang gusto ngaun ni franz . Katarungan para sa pagkamatay ng kanyang ama . Hindi man sa batas . Kundi mula sa sarili nyang mga kamay .
The only thing that he want now is just revenge . He wants that girl to suffer .

Gusto nyang maghirap ito ng husto . Gusto nyang matikman nito kung paano gumanti ang isang funtabellia .

pangako papa ipaghihiganti ko ang pagkamatay mo . And once again he cursed that girl.
-------------

"Kamusta na ang babaeng pinapahanap ko sayo ?" Si franz habang matiim na nakatingin sa imbestigador na kaharap nya .

Kalilibing lang ng kanyang ama . At ngaun kausap nya ang imbestigador na kinuha nya upang pasundan ang babaeng kinahumalingan ng kanyang nasirang ama .

Ibinaba ng imbestigador ang mga dala nitong mga litrato sa lamesa .
"Sir franz ito ang mga nakuha kong litrato ng babaeng pinaiimbestigahan mo"
inilahad nito ang mga litrato sa kanya .

"Sya si jerika esquinas, bente tres anyos , kasalukuyang nakatira sa cainta rizal . Nag iisa n sya sa buhay dahil nakulong ang kanyang ina noong nakaraang buwan at nitong nkaraang linggo ay nasunog naman sila ng tinitirhan nila sa las pinas kaya lumipat sya sa cainta . Base sa aking nakalap nakulong ang kanyang ina sa kasong pag nanakaw . Naakusahan itong nagnakaw ng pera sa pinagtratrabahuhan into . At ngaun Nagtitinda so jerika ng biko sa umaga sa palengke at nag jajanitress ito sa isang club sa gabi . Nagtanong tanong ako at wala naman akong nakalap na masamang impresyon dito ng mga tao bagkus puro positibo ang narinig ko tungkol sa babae . Mabait daw ito at masipag . Ngunit Bukod dito ay wala na akong iba pang nakalap na impormasyon dahil sa lugar nila ay walang nkakakilala dito sa kadahilanang bago lng ito sa kanilang lugar ." Mahabang salaysay ng imbestigador .

My Slave WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon