Kung Sana

24 5 0
                                    

Fall by Justin Bieber...para dama naman daw<3

-------

"hoy gunggong!" sigaw ko dun sa matangkad na bwiset na lalaki. Pero hindi siya lumingon, gago pala to eh!

"Gunggong, hoy!"

"F*ck, sino yon?" tiyaka siya nagpalinga-linga. Huh! buti nga sa kanya, binato ko lang naman siya ng hawak kong bote, may laman pa 'yon na tubig, sobra sa kalahati, I think?

Then napansin kong nakatingin lahat sa 'kin. Kumunot noo ko sa kanila.

"Anong tinitingin-tingin niyo, ha?" sabi ko sa kanila ng nakataas ang isa kong kilay at taas noo with confidence. Don't tell me big deal sa kanila ang pagbato ko dun sa gunggong na yon.

He deserves it, anyway.

"Ikaw ba ang bumato sa akin?" sabi ng isang malalim na boses. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa 'kin tong si gunggong. Nag-angat ako ng tingin, sa antangkad nito eh.

The fudge! Ohmo, why so gwapo. Mahabang pilik mata, matangos na ilong, moreno, pilipinong pilipino ang pagkagwapo, gwapo saka gwapo, ah basta gwapo. Juice colored Mira, compose yourself. May atraso pa 'tong gunggong na to.

"Are you done checking me out?" nakangisi nitong sabi.

Ay, gunggong na nga antipatiko pa.

"Checking you out? Really? 'cause the last time I check, I don't check, I cross them out"

Sabay irap sa antipatikong to.

"So tell me, meany missy, why'd you did that?"

Napalunok ako. Ang dilim ng aura niya infairness, mas lalo lang nag papogi sa kanya. Naks Mira! Sasapakin ka na nga kung anu-ano pang sinasabi mo.

Tinapangan ko nalang, dun naman ako magaling eh. Siga ata to.

"Hindi pa ba halata? kasi may atraso ka!"

"Ooh, I thought, you're trying to get my attention....well, you just did."

sagot nito saka ngumisi ng may madilim na aura pa rin, na parang sinasabing 'dapat reasonable yang rason mo'.

Pero hindi pa rin ako nagpatinag, sino ba siya sa inaakala niya!

"Utot mo, anong get your attention mo mukha mo? First of all, hindi ako KSP. Pangalawa ni hindi nga kita kilalang gunggong ka, para magpapansin sayo, at pangatlo ang rason na ikanapuputok ng buchi mo na ikanabibwiset ko, tinapakan mo yung malinis kong damit saka mo sinipa ang kaawa-awa kong bag na nananahimik lang sa tabi..." tuloy tuloy kong sabi. "na hindi ko malaman kung sadyang gunggong ka lang o bulag ka talaga, sa kinalawak ng daan eh doon mo pa napiling dumaang bwiset ka!"

Kalmado kong litanya.

Ah, oo naman kalmado pa ko niyan, may exclamation lang. Si Otor kasi, para daw damang dama.

"Why so defensive? Beside I didn't notice it, and bakit mo kasi ilalapag yung bag saka yung malinis na shirt sa sahig" diretso lang siyang nakatingin sa kin, specifically sa mga mata ko. Napalunok ako sa isip ko. Siyempre sa isip ko lang, baka isipin ng gunggong na 'to eh, naiintimidate ako sa kanya. Well, medj lang. Ang fogi eh.

Kung SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon