OLA//7 * Nasasaktan Ako*

2 0 0
                                    

" Ang sakit isipin na iniwan mo ako para tabihan siya. "
SANA AKO NALANG SIYA

Divine's POV

Ngayong araw na ang Meeting d Advance namin, busy na kami sa pagpapractice ng kakantahin namin hinati ko ang mga ka-grupo ko, kami sa pag-kanta at ang iba naman ay sa pag-sayaw

" Guys. Please cooperate ha? Last na natin to. Mag-practice na at mamaya walang kakabahan" pero ako ang kinakabahan.

Nagpa-practice kami ngayon ng last na kanta namin at natutuwa ako dahil magkasama kami ngayon ni Ivan at ito na rin siguro ang huli naming paglalapit.

" Wala talagang tatalo sayo. Galing mong mag-gitara" Ivan
" Memasabi nalang. " ako
" Pero alam mo kuya Ivan ang tagal ng lead guitarist ni ate Divine sa Banda " Mika
" Halata nga, ang galing eh. " Ivan
" Manahimik nga kayong dalawa " nahihiya na ako sa mga pinagsasabi nila pero parang kinikilig ako O.o eto na ba yun?

" Excuse me. Magsisimula na ang event punta na kayo sa gym. " Ms. Leru
" Yes mam" kaming lahat

Nag-dasal muna kami bago bumaba.

Gym~

Shaira's POV

" Maira. Tigan mo oh. Ang saya tignan ni Ivan at Divine na magkasama" ako
" Oo nga pero tignan mo parang may ibang tinitignan si Ivan. " Maira
Tinignan ko naman kung sino ang tinitignan nito at nakita kong naka-tingin sya kay Jena habang todo ngiti ito.
Nagka-tingin kami ni Maira

Divine's POV

Kami ang huling partylist na magpapa-kilala, habang nagpapa-kilala ang iba, sinabihan ko ang mga ka-grupo ko na huwag kakabahan at sama-sama lang kami sa isang sulok pero
" Ah. Divine alis muna ako" Ivan
" Huh? E kasasabi ko lang na sama-sama tayo. " ako
" Dyan lang ako sa ibabang upuan." Ivan

Yung saya ko biglang napalitan ng lungkot dahil nakita ko siyang lumapit kay Jena. At kitang-kita ko kung paano sila mag-kwentuhan na parehas na may ngiti sa mga labi nila. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Bakit parang may kumukurot dito sa puso? Bakit parang nasasaktan ako? Bakiiiit?

Shaira's POV

Kitang-kita ko kung paano nalungkot ang kaibigan kong si Divine, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero sa tingin ko nasaktan siya. Kasi nung nakaraang araw may inamin siya sa amin

2 days ago, nasa park kami ng Village nila Divine.

" Divine, parang iba ang saya mo ngayon ah? Ayyyiiieeee I smell something fishy " Maira
" Huh? Ako may regla!? Wala no " Divine
" HAHAHAHA! Basag! " ako
" Niloloko nyo ba ako? Ang ibig kong sabihin kasi anong meron sayo?" Maira
" Paanong iba ang saya ko? E lagi naman akong ganito ah. " Divine
" Nako. Hindi Divine kilala ka namin. Dati ang ngiti mo ngiting pusa lang, ngayon ngiting asong ulul na. Hahahaha" ako
" Hahahaha! Oo ganun nga. " Maira
" Grabe kayo sa akin ha. " Divine
" Yung totoo kasi. Bakit parang heart-shaped yang mata mo!? " Maira
" Siguri inlove ka na kay Ivan? Ayyiiieee' " sa pagkasabi ko nun biglang namula ang pisngi niya.
" So sa pag-pula ba ng pisngi mo ang sagot ay oo? " Maira
" Sabi ko na nga maiinlove ka na ngayon. "  bigla namin siyang niyakap sabay sabing
" CONGRATS tao ka na!!"
" Teka nga. Sumagot na ba ako? Hindi pa diba? " Divine
" Pasensya na-excite lang kami " sabay na sagot ulit namin ni Maira
" Eto ha huwag kayong tatawa kasi ano eh. " Divine
" Ano? Bilis pabitin" bigla naman ako sinapok ni Maira
" Maghintay ka be huwag nating i-pressure. Hahahaha" Maira
" Bahala nga kayo dyan ang ingay nyo. " Divine na nagku-kunwaring paalis na.
" Bilis game kwento " Ako
" Aaminin ko na sa inyong dalawa kahit na wala akong tiwala sa inyo tungkol sa bagay na ito. Hahahaha joke, tanda nyo ba nung first day, yung nagkwe-kwento kayo sa akin na hindi ako nakikinig? Kasi naka-tingin lang talaga ako kay Ivan nun. Nung nakita ko si Ivan para bang biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung anong meron pero nagtuloy-tuloy ito hanggang ngayon. Kaya naman sinearch ko ito at ang sabi " When you see that person and you feel that your heart beats faster it means you are defenitely inlove with that person" like OMG tama kayo tao na ako, at kakaamin ko lang sa sarili ko kagabi na crush ko na nga talaga si Ivan. " pag-amin ni Divine sa amin habang namumula pa ang mukha

Ok Lang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon