OLA//8 * Nasasaktan Ako 2*

2 0 0
                                    

" Ang saya kong sayo ko lang naramdaman ay panandalian lang pala. "
SALAMAT SA SAKIT

Divine's POV

Hindi ko nalang sila pinansin at tinignan, dahil lalo lang nadaragdagan ang sakit dito sa puso ko. OA na ba ako? Hindi ko alam ngayon ko lang naramdaman ang mga ito. Ngayon lang ako humanga at sa kanya lang din ako nasaktan. First heart break ko na ba ito?

" Call on the Party Partylist" Mr. Pon, lahat ng studyante tawa ng tawa at nagpa-palakpakan
" Good Morning Everyone, we are the Party Partylist *palakpakan* we gonna introduce again ourselves *hindi na kailangan dahil kayo talaga ang iboboto namin* sigawan ng iba, thanks for that hehe " ako
Ayun nagpa-kilala ulit isa't isa at nung si Ivan na
" A pleasant, wonderful and great morning to all of you. I'm here standing of you to introduce again myself. I'm Ivan Guerrero running for the position of Vice President and hi to you beautiful lady again I'm Ivan Guerrero asking to court you ms. *habang naka-tingin kay Jena* Ay anubayun? Kung ano-ano na nasabi ko. Hahaha guys vote straight! Vote wisely! Vote me/us! Vote Party Partylist" pagkatapos niyang mag-salita biglang ingay ng gym palakpakan doon sigawan dito. Pero imbis na maging masaya ako ay lalo lang nadagdagan ang sakit na naramdaman ko.

Si Jena pala yung swerteng babae na gusto ni Ivan. </3

Hindi ko na rin hinabaan pa ang speech ko dahil wala na talaga akong gana at sabi ko ay kumanta nalang kami.
" Divine. Gitara mo oh. " Abot sakin ni Ivan
" Salamat, tara guys game tayong lahat ha? "

Shy

Habang nakanta kami naka-tingin lang ako kay Ivan at siya naman kay Jena. Nasasaktan man ako hindi ko nalang ito pinansin baka mawala lang ako sa performance namin. Nung matapos kami ay naghawak-hawak kamay kami para mag-bow since katabi ko si Ivan siya ang naka-hawak sa kaliwang kamay ko, naramdaman ko na may kung ano dito sa tyan ko. At hindi ko alam kung eto na ba ang pagkakataon na kikiligin ako? >/<

Pero lahat ng nararamdaman ko para sa kanya mawawala na rin dahil alam kong may iba na syang gusto.

~ ~ ~

Matapos ang Meeting d Advance at botohan ay nalaman agad ang mga panalo at tama kami nga ang panalo halos lahat ng boto sa amin napunta. Isa-isa namang nagyakapan ang mga ka-grupo ko at sinali na rin nila ako. Nung si Ivan na
" Congats masungit na president. " Bigla akong niyakap ni Ivan pagsabi niya nun ako naman gulat na gulat sa ginawa niya
" Ah eh. Coo-ongraa-ats di n, coo-ngra-ats sa at in. " ako mautal utal kong pagkakasabi

Sabi ng Pricncipal ay sa Acquaintance nalang nila kami bibigyan ng Certificate.

Room~

Shaira's POV

Napansin ko na sobrang tahimik ngayong hapon ni Divine, hindi kaya na-apektuhan siya sa nangyari kanina? Imbes na maging masaya siya sa pagkapanalo nila ay lungkot lungkot tuloy niya.
" Uy Divine, ngumiti ka naman. Panalo kayo oh. " ako
" Ha? Napagod lang siguro ako. " Divine
" Dahil ba ito sa nangyari kanina? " Deretsang tanong ni Maira
" Ha? " Divine sagot niya na halatang wala sa sarili
Niyakap nalang namin si Divine, ang hirap din pala ng walang experience sa love hindi alam kung ano ang dapat i'react sa mga nangyayari sa kanila.
" Hindi ko alam pero ang bilis ng mga pangyayari, first day palang nagustuhan ko na siya, siya ang unang lalaking hinangaan ko, hanggang sa nakakapag-usap na kami at lalo akong nahulog sa kanya. Sa maikling panahon na yon naging masaya ako pero ngayon kakalimutan ko nalang ang nararamdaman ko para sa kanya. " Malungkot na sabi ni Divine
" Girl. Hayaan mo na yung Ivan na yun, ikaw na nga ang nagsabi na ang bilis ng mga pangyayari kaya sure ako na mawawala din agad yang nararamdam mo para sa kanya. " Maira
" Sana ganun lang kadali yun." Bulong ni Divine na sapat na para marinig.

Ok Lang AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon