Maria Cristina Falls: Falls of Love and Promises

104 3 0
                                    

“Maria promise ha? Magkasama lang tayo dito forever?”

“Oo naman Christina! Pinagdikit ata bituka natin! Hindi pinaghihiwalay!”

“HAHAHAHA Promise?”

“Promise! Sa harap ng napakagandang talon na ito pinapangako ko sa iyo Maria hinding-hindi tayo magkakahiwalay! Twin sister’s pinky swear promise?”

“Twin sister’s pinky swear promise!”  tapos nag-pinky swear promise kami.

17 years later…

“Christina ang ganda talaga ng talon na ito 'no? Hindi pa tayo pinanganak ni mama dito na sila naka-tira ni papa hindi pa rin ito nagbabago! Magandang-maganda pa rin ang talon!”

“oo nga Maria! Tama ka! pambihira talaga ang kagandahan nito!”

“natatandaan mo pa ba yung pinangako mo sa akin noon dito?”

“oo naman 'no! Pano ko ba yun kakalimutan? Eeh pangako natin yung dalawa eeh. HAHAHAHA”

“HAHAHAH natatandaan mo pa rin ba yung ekenwento ni mama sa atin noon? Yung sumpaan nila ni papa?”

“oo naman! Nakakakilig kaya 'yun! Nagsumpaan sila na habang buhay sila magkasama!”

“HAHAHAH oo nga! Panghabang-buhay nga sila magkasama hanggang sa kabilang buhay.” Tapos biglang nalungkot si Maria

Huminto si Christina sa paglalaba at inabot niya si Maria upang ito ay mayakap “suuus! Okay lang 'yun! Ang mahalaga masaya sila at masaya din tayo!”

“ang drama ko talaga! HAHAHA sige maglaba na lang tayo ulit. HAHAHA”

Sina Maria at Christina ay kambal na magkakapatid. 23 years old na silang dalawa. Identical Twins sila ngunit magkaiba sila ng ugali. Si Maria ay mabait, mapagmahal, maawain at mapaglihim habang si Christina naman mabait din pero mas mabait sa kanya si Maria isa din siyang mapagmahal nakapatid kay Maria.

“ayan Christina! Tapos na tayo!”

“sige uwi na tayo gumagabi na din uh?”

“tara sige!”

Samatala sa lugar ng syudad ng Iligan City… [syudad=bayan]

“lapastangan kang bata ka! Hindi ka na nahiya sa amin!”

“hindi ko naman po ‘yun sinasadya daddy!”

“ano?! Hindi mo sinasadya?! Ang mabugbug mo ang kapatid mo?! Walang hiya ka! Lapastangan ka! Muntik ng mamatay ang anak ko sa ginawa mo!”

“anak niyo rin naman po ako daddy!”

“pwes! Hindi na ngayun!! Wala akong anak na kriminal! Lumayas ka sa pamamahay ko!!”

“pero daddy~~”

“lumayas ka!!”

“sige po! Kung ‘yan ang gusto niyo!”

Walang magawa si Lucas kaya sinunod na lamang niya ang kanyang daddy!

Kina Maria at Christina…

”Maria!! Dalian mo na mahuhuli na tayo sa 1st Mass ng Cathedral!! Medyo malayo layo pa naman yun mula dito”

“ito na nga uh! Ikaw naman!”

“ang tagal mo naman kasi!!”

“sorry na nga.”

“tse!! Tara na nga!!”

“okay!”

Pagkatapos nilang magsimba…

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maria Cristina Falls: Falls of Love and PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon