Can I see you?

1 0 0
                                    

Isang buwan na kaming magkatext at ngayon nga ay parating na ang Pasko. Sabi ni Jay uuwi daw sya sa Cebu dahil may break sila pag Christmas at gusto daw nya akong makita. My gad! Anong gagawin ko? Nahihiya ako magpakita sa kanya, pa'no kung magbago sya pag nakita na nya ako at di na sya magtetext. Hindi naman sa di ako maganda pero minsan wala talaga akong confidence sa sarili, matangkad akong babae, cguro nasa 5'6 yung height ko, slim, morena at maganda din naman. Feeling lang eh!

Napangiti ako ng tumunog yung cp ko, alam ko sya yung tumatawag kaya sinagot ko agad. "Hello Trish!" sabi nya. "Hi Jay! Aga mong tumawag ah, wala ka bang duty ngayon?" tanong ko sa kanya. Alas kwatro pa kasinng hapon ang alam ko may duty pa sya. "Ay wala! mamaya pang 10pm yung duty ko, nakipagpalit kasi yung kasama ko. May lakad kasi sya" sabi nito. "Ah ganun ba! Kawawa ka pala mamaya, night shift ka. Wala kang maayos na tulog" sabi ko naman. "Uy concern ka na nyan!" pang-aasar nya. Para talagang sira, concern naman talaga ako sa kanya. "Uy d ka na sumagot jan..binibiro lang kita. May sasabihin pala ako sayo" sabi nya at bigla ay kinabahan ako. "Hmm ano yun?" tanong ko. "Sa Friday na biyahe ko pa Cebu basta itetext kita para magkita tayo" sagot naman nya. Kinabahan ako, gusto ko syang makita pero natatakot ako baka di nya ako magustohan. Teka lang bakit ko ba iniisip kung magugustohan nya ako o hindi, kaibigan lang naman kami. May gusto na ba ako sa kanya? "Hmm pero sa province kasi kami pupunta pag pasko at new year" sabi ko. Bigla syang walang imik at nataranta ako baka feeling nya ayoko "Jay anjan kapa ba? tawag ko. "Oo dito pa, sige pupuntahan nalang kita kung saan yang province nyo. Bigyan mo lang ako ng sketch" myGad! seryoso nga sya sa sinabi nyang magkikita kami at talagang susundan pa nya ako. "Ok Jay magkikita talaga tayo, gagawan mo ng paraan eh!" pampagaan ko sa usapan kasi parang ang seryoso na nya. "Ganito ako ka seryoso sayo Trish". Napakagat labi ako sa sinabi nya parang nababasa nya utak ko, eh ang layo naman nya. Baliw na ata ako. "Oh cge na, binobola mo na naman ako eh! Tawag ka nalang mamaya at maliligo pa po ako Sir" narinig ko namang tumatawa lang sya sa kabila. "Yes mam! Take care for me. Bye!". Kanina pa tapos ang tawag pero eto pa rin ako nakangiti sa huling sinabi nya. Nakakaloka!

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Pinili kong suoting yung short na maong tsaka white shirt tapos nilugay ko nalang yung buhok ko. Lumabas na ako at bumili ng pagkain, wala kasing pasok ngayon kaya hapon na yung lunch tsaka snacks ko. Nakatingin na naman yung mga tambay sa kanto sa'kin. Nakakainis talaga. Ayaw ko pa naman yung sobrang makatitig. Naglakad ako ng mabilis, doon nalang ako kakain sa mall para maka pambili na rin ako ng groceries. Wala na kasing stocks sa bahay.

The Uniformed ManWhere stories live. Discover now