Bumped in with Ameega

0 0 0
                                    

Nung nasa mall na ako, naghahanap ako ng pwedeng makainan. Ang dami kasing tao pag Wednesday dahil malapit lang tong mall na to sa mga schools at panigurado ang daming students na nakakalat. Sarap naman ng buhay ng mga studyante dito, pa tambay2 lang. Hay nako makakain na nga, nag dine in nalang ako sa Jollibee ng burger steak, rice, pineapple juice tsaka yung fave ko na fries. Di talaga mawawala yung fries pag kumakain ako dito.

Nung nabusog na ako ay naisipan kong maglakadlakad muna tutal maaga pa naman. Nang di sinasadya ay nabangga ako ng isang babaeng nakatingin lang sa phone nya. Pag angat nya ng mukha pareho kaming nagulat. "Ameega!" sigaw nya. Bigla ko namang tinakpan yung bibig nya kasi pinagtitinginan na kami ng mga tao. "Hoi bruha! bakit ngayon ka lang nagpakita, di kana sumasama sa mga night life namin. Namimiss kana nila Jhenn at Karen" tinutukoy nya yung dalawang kaibigan namin. Apat kasi kaming mga party goer at halos gabi gabi nalang ay pumupunta ng club. Ini enjoy lang namin yung teenage life tsaka pera naman namin yung nauubos. Haha. Etong kaibigan ko si Jess, sobrang party goer nya kaya kami nadala. Si Jhenn naman mahilig sa mga lalaking may sabit pero cool lang sya, di sya nakikipag patayan sa mga asawa ng lalaki nya at si Karen naman ang stick to his one man na c Ryan. At ako yung seryoso pero cool lang pagdating sa life.
"Ano kasi tinatamad ako eh. Pass muna ako sa mga night outs natin. Tsaka pakisabi sa dalawang yun namimiss ko rin sila" paliwanag ko. "Eh bakit ka naman magpa pass? Siguro may boyfriend kana nuh!" tanong naman nya. Lakas talaga maka sense ng babaeng to. "Wala nga pero may bago akong friend ameega, army sya tsaka gusto nya magkita kami next week" sabi ko sa kanya. "Oh my! magkaka bf kana ameega, im happy for you!" kinikilig na sabi nya. "Diba sabi ko new friend ameega, kaw talaga ang advance mo!" nakairap kong sagot. "Dun na rin yun. Sasabihin ko kina Jhenn at Karen pag nagkita kami ha!" excited na sabi nya. Nagkwento pa ako tungkol kay Jay at paano kami nagkakilala tas kinikilig naman ang bruhang to. Hanggang nagpaalam na kami sa isa't isa kasi mag go-grocery pa pala ako. Muntik ko nang nakalimutan.

Pag-uwi ko ng bahay, ini-arranged ko muna ang pinamili ko at nagbihis. Pahiga na ako ng tumunog phone ko, nagtext si Jay sabi nya may sasabihin daw sya, kinakabahan ako kasi may sad smiley ang huli nyang text. Tawagan ko nga.

The Uniformed ManWhere stories live. Discover now