|| e p i l o u g e ||

95 4 0
                                    

A/N :

Para lang maging clear, Filipino sila magsalita pero Korean ang ginagamit nilang language.

Enjoy Reading!♡

Noemi's P.O.V

3 years na ang nakakalipas at nandito ako sa streets ng Seoul, mag isang naglilibot. Maski ata utak ko naglilibot libot na rin. Napakarami ng iniisip ko. Syempre, impossible na bang hindi ko maisip si Taehyung? Syempre oo. Silang dalawa ni Irene. Ano na kaya ang nangyari sakanila? Sila Jungkook kaya, Kumusta na kaya sila?

Napangiti nalang ako sa naiisip ko at nagulat nang biglang may nagsalita.

"Siguro iniisip mo ako no? Sabi na nga ba e! Hay! Ansaya naman sa pakiramdam na mahalin ng isang Noemi Jung!~"

Nagulat ako nung biglang may isang boses na nagsalita mula sa likod ko. Mali. Hindi na pala ako magugulat. Eh halos araw araw nya namang ginagawa 'to.

"Sinusundan mo nanaman ako, nako. Ganyan mo talaga ako kamahal e, no?"

At heto nanaman sya, walang sawang kwento rito, kwento roon. Pero ayos lang, nakasanayan ko na sya. Sa halos tatlong taon ko na ring paninirahan dito ay sya lang naman ang kasama ko, syempre maliban sa pamilya ko.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi nya parin ako tinigilan at tinadtad nanaman ng mga tanong. Agad ko naman syang hinarap.

"Alam mo Seungkwan, ang daldal mo. Mas mabuti pa, ilibre mo nalang ako ng pagkain! Mayroong kainan dito na may mga foods mula sa Pilipinas, tara!"

Papalag pa sana sya pero hinila ko na agad sya. Hindi lang paghila dahil tumatakbo na kami ngayon.

"AaaAaaAAAa Noemi baka madapa tayo!"

"HAHAHA! Bilisan mo!"

"Madulas yung daan Noemi aaaaAaaAAA."

"Hindi yan! HAHAHA."

Halos lahat ng tao sa daan nabubulabog namin dahil ang ingay namin ni Seungkwan. Sigaw rito sigaw doon pero ayos lang yun para saamin, sa halos tatlong taong magkasama kami, ganto lagi yung ginagawa namin.

Nakarating na kami sa kainan at pawang humugis puso ang mga mata ko.

"Pambihirang babae 'to. Basta't sa pagkain laging handa e."

Dinig ko pang bulong nya. Agad naman akong napalingon sakanya at sya naman nakangiti saakin na parang wala man lang sinabi.

Painosente rin 'to e.

Napakarami kong inorder na Filipino food hindi lang para saakin, syempre para na rin kay Seungkwan, dahil nga Korean, hindi alam yung mga gantong luto.

Nag hintay pa kami ng mga ilang minuto at sa wakas, nandyan na yung order. Nakakatawang tignan si Seungkwan dahil parang hindi nya alam kung paano kakainin ang mga ito. Dahan dahan pa akong naglabas ng phone at agad syang pinicture-an. Hindi nya iyon napansin dahil abala siya sa pagtingin ng mga pagkain. Napangiti naman ako ng palihim. Nagsimula na kaming kumain ni Seungkwan.

---

"Wow! Grabe Noemiii ang sasarap nung mga pagkain!"

Parang batang sabi ni Seungkwan. Napatawa nalang ako ng bahagya. Maya maya pa ay kinalabit nya ako. Napatingin naman ako agad.

"Bukas na bukas babalik tayo doon!"

Pagmamalaki nya pa. Hay. Eto nanaman ang makulit na Seungkwan. Naglakad pa kami ng naglakad ni Seungkwan nang biglang may nagsalita.

Dear, TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon