t h i r t y

71 3 0
                                    


Noemi's POV

"Tuloy na ba talaga ang alis mo?"

Maluha luhang tanong sakin ni Irene. Oo tama. Si Irene. As in Irene ni Taehyung. Close na kami. And we're good friends na rin. Tanggap ko na eh. At wala na akong galit sakanya.

"Haha, oo eh. Wag ka ngang umiyak! Makita tayo ni Taehyung dito eh sabihin pinaiyak kita!"

Saway ko sakanya habang pinupunasan yung mga luhang unting unting bumubuhos sa mukha nya.

"Pero Noemi..."

Napatingin naman ako sakanya sabay ngumiti ng bahagya. Mamimiss ko 'tong babaeng 'to.

"Pasalubong pag-uwi mo ah?"

Malaking ngiting sambit nya. Pasaway talaga.

"Aba't..."

Dahan dahan kong pinakita sakanya na tinatanggal ko yung sapatos ko para ibato sakanya nung bigla nya akong yakapin.

"Uy, joke lang! Pero kailan ba yung balik mo?"

Kumalas na sya at tumingin saakin, hinihintay ang sagot ko. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Ang totoo nyan hindi ko rin alam. Siguro kapag wala na akong nararamdaman kay Taehyung?

"Depende."

Ngumiti ako ng mapait, ginagawa ko lang naman 'to para makalimutan ko si Taehyung eh. Lumalayo ako. Tinatakasan ko sya. Kasi maski ako, napapagod na.

"Noemi naman eh! Basta i-promise mo saakin na babalik ka okay? Kasi kailangan ka nya."

Hindi ko na masyadong narinig ang huling sinabi ni Irene, bigla kasing humina ang pagkakasabi nya. Hindi na rin akong nag-abalang tanungin 'yon, marahil ay puros si Taehyung nalang ang nasa isip ko.

Napatingin nalang ako bigla sa langit sabay buntong hininga.

"Kung sakaling umalis ako... hahanapin mo ba ako? Hahabulin mo ba ako? Mapapansin mo ba ako? Mamimiss mo ba... ako?"

Para akong isang tanga na kausap ang mga ulap, naghihintay sa tanong na hindi alam, at walang kasiguraduhan. Ang hirap mahulog. Sobra.

"Hoy! Noemi! Alam ko namang maganda ako pero wag ka namang matulala! Masyado na e!"

Ang swerte mo sakanya Taehyung, siguradong mapapasaya ka nya. Sana ingatan mo sya.

"Oo na... babalik ako promise."

At sana sa pagbabalik ko na 'yun. Sana, wala na akong nararamdaman para sa'yo.

"Promise?"

"Promise."

Napatingin ako sa orasan ko. Kailangan ko nang umalis. Nilibot ko pa muna saglit ang aking mga mata sa iba't ibang parte ng eskwelahang ito. Mula sa canteen, sa iba't ibang buildings. Sa mga hagdan. Sa field kung saan akala ko sinabi na ni Jungkook yung nararamdaman ko para kay Taehyung.

Napangiti ako.

Marami na din pala tayong naging alaala kahit hindi naging tayo, Taehyung.

Napabalik ako sa realidad. Kailangan ko nang umalis. Agad ko namang niyakap ulit si Irene.

Ang swerte mo kay Taehyung, Irene.

"Paano na ba yan? Kailangan ko nang umalis, magiingat kayo. Balitaan nyo nalang ako."

Napangiti naman sya sabay sabing.

"Sir yes sir!"

Loko lokong Irene, umakto pang parang sundalo. Sabay naman kaming natawang dalawa pagkatapos nun. Umalis na ako ng school. Hindi na ako nagpasama kay Irene. Sya lang naman kasi yung nakakaalam na aalis ako e.

Tulad nga nung sinabi ko. Para lang akong tatakas.

Nung makarating ako sa bahay ay kinuha ko na ang maleta ko. Excited na ako. Hinihintay na ako nila Mama sa Korea. Makikita ko na ulit sila!

Masaya pa akong naglalakad hanggang makarating sa may mga taxi ngunit.

"Pati ba naman ulap naiiyak sa pag alis ko?"

Hinanap ko agad yung payong ko pero wala, naalala kong malilim nga pala kanina't hindi na ako nakapagdala.

Patalikod na sana ako, patakbo pabalik sa bahay para kunin yung payong ko nung may isang boses na nakapagpatigil saakin.

"Noona..."

Napatingin ako sa lalaking naglalakad sa kalsada na may dalang payong. Natatakpan man ang mukha nito, alam kong si Jungkook 'to.

"J-jungkook..."

Hindi ko alam pero parang unti unti nang nalalaglag ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko namalayang nakayakap na pala sya saakin at parehas na kaming umiiyak.

Jungkook, wala sa plano kong umiyak pero pinapaiyak mo naman ako e!

"Noona, bakit ka may maletang dala? Tsaka ano 'to? Mukhang bihis na bihis ka't mukhang aalis..."

Dahan dahan naman syang napatingin saakin. At mukhang maski sya maiiyak nanaman.

"Noona, hindi mo naman kailangang umalis, di 'ba?

Nanlumo naman ako sa narinig ko. Bakit ko pa nga ba dapat lumayo? Bakit nga ba kailangan ko pang umalis?

"Patawad, pero... kailangan ko munang magpakalayo-layo, Jungkook."

Ngumiti naman sya saakin. Isang mapait na ngiti. At mukhang naiiyak nanaman ako.

Si Jungkook, nakangiti saakin ng mapait habang may tumutulong luha.

"Sana pala noona noong una palang, inagaw na kita. Sana pala noona matagal na akong umamin. Sana pala noona, hindi kita hinayaang mahulog sa kanya. Sana pala matagal ko nang sinabing ' Mahal kita. ' '"

Bigla na lamang ay napatulala ako sa sinabi nya. G-gusto nya ako?  Pero... paano?

"J-jungkook... hindi pwede! M-marami pang iba dyan. Mas higit pa sakin..."

Bigla namang lumungkot ang mukha nya. Tumingin pa sa itaas upang hindi na muling bumagsak ang luha nya.

"Alam ko naman 'yun noona e. Alam ko na sa una palang. Sige na. Ingat ka doon noona. Mamimiss kita."

Inabot nya saakin ang payong. Hinahayaang bumuhos sa kanya yung ulan kasabay ng pagbuhos ng luha nya.

Hindi ako nararapat para sa'yo, Jungkook.

"Paalam na, Noona."

Dahan dahan na syang naglakad palayo.

"JUNGKOOOOK!"

Sigaw ko pero bigla nalang syang tumakbo hanggang hindi ko na sya nakita at nagsisisi ako, kasi sa una palang pala. Naghahabulan na kaming tatlo.

"Gomawo, Mianhae..."

Sakto namang may dumating na na Taxi kaya agad na akong sumakay dun at dinaan na ako sa Airport.

Pagbaba ko ay tumingin tingin muna ako sa paligid ko, nagbabaka sakaling makita ko si Taehyung pero sino nga ba 'tong niloloko ko? Masaya na siya kay Irene, di' ba?

"Siguro nga hanggang dito nalang talaga tayo Taehyung..."

Huli kong sambit at nagpatuloy tuloy na sa paglalakad.

Dear, TaehyungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon