Ikaw at ako. Bumaliktad ang mundo natin simula noong niloko mo ako. at dahil don ipinagpasalamat ko sa Diyos na ibinigay sa satin ang pagsubok na yon.Sisimulan ko ang istorya doon sa gabing nagising kita. Nagising kita sa kahibangan mo sa bawat sampal, suntok at sipa na ibinato ko saiyo. Sa ilalim ng ulan, sa kalsada.. doon mo nakita ang isang ako na kailanman hindi mo pa namasdan. Lugmok. Basa ng ulan. Lasing. Nanggigigil sa galit. Matalim ang tingin. Unang beses kong makaramdam ng ganon, handa kitang saktan at ang sarili ko nong gabing yon.
Anim na taon. Anim na taon akong naging perfect girlfriend sayo kaya masasabi ko na hindi ako ang nagkukang. Na hindi ako ang may kasalanan. Wala kang maisusumbat na hindi ko ginawa.
Nagbago ka. Naghanap ka ng iba. Isa? Dalawa? Tatlo? Hindi ko alam kung ilan pa silang sinabit mo sa relasyon natin. Pinaniwala mo ako sa iyong salita na "ikaw lang" "hindi kita magagawang lokohin" at syempre naniwala ko. Kase ba naman anim na taon na kitang kilala, kilala kita sa pagiging marespeto sa babae. Pero hindi. Yung anim na taon, hindi pala ikaw yon.. hindi pa pala kita kilala.
Nong malaman ko ang lahat ng yon. Hindi ako nag makaawa. Bakit ako magmamakaawa sayo na sana ako lang? Kung alam kong makakahanap naman ako ng iba na totoo mag mahal sakin diba? Yung ako lang mamahalin. Ako lang. Kase yun naman ang deserve ko eh. Hindi naman ako masamang tao para gawin mo sakin yon. Nasa maling tao lang talaga ako at salamat sayo dahil may pag asa pa akong hanapin ang tamang tao na yon. Pinamukha ko lahat to sayo nong gabing yon. Habang pinapamukha ko sayo na hindi na ikaw ang nakikita kong sasalubong sakin sa altar, na hindi na ikaw ang sinasabi kong "the one"
Nakita ko ang takot sa mata mo. Natakot ka kase alam mong mawawala na ako sayo. Natakot ka kase dahil sa pagiging gago mo mawawala ang babaeng gusto mong pakasalan. Nag makaawa ka. Paulit-ulit mong sinasabi habang umiiyak ang salitang "please ako nalang"..
Lasing ako nong gabing yon kaya inuwi mo ako sainyo. Binihisan at inalagaan, pareho ng laging kong ginagawa sayo. Hindi mo inaalis ang pagkayakap mo sa likod ko habang naka higa tayo. Umiiyak ka lang habang ako nakatingin sa kawalan, wala ng nararamdaman. Sinasabi mo na wag kang iwan, na bigyan ka ng pagkakataon, nagbigkas ka ng mga pangako. Blankong ngiti lang ang naisagot ko. Umabot sa puntong desperado ka na at ipinilit mong makipagsex ako sayo, para buntisin ako at hindi na makawala sayo. Nag pumiglas ako at tinulak ka pero nag pumilit ka. Oo may nangyare. Oo ginusto ko.
Kinaumagahan hinatid mo ako saamin. Akala mo siguro okey na.. Pagka-alis mo tinext kita ng
"thanks for the sex. Wala lang yon. Tawag ng laman lang natin yon. Good bye" Sabay block ko sayo sa lahat ng sosyal media at sa cellphone ko. Umalis din ako sa amin ng ilang araw. Alam kong halos nabaliw ka kung paano ako hahanapin at paano ako makakausap.Mahal kita. Mahal na mahal kaya alam ko sa puso ko na may pag-asa ka pa. Pero sandali. Mahal ko din ang sarili ko. Alam ko ang halaga ko. Kaya pinahirapan kita na makuha muli ako. Nanligaw ka kahit puro pangsusumbat nlng ang narinig mo sakin. Kahit binabalewala kita at tinatratong parang hangin nagpursige ka pa rin.
Tatlong buwan ng maging tayo ulit.. at hindi ko pinagsisihan na binigyan kita ng ikalawang pagkakataon.
Ngayon baliktad na ang mundo. Ikaw na yung sobra mag mahal. Ikaw na yung nagtatampo kase hindi ka naalala. Ikaw na yung seloso masyado. Ikaw na yung unang magtetext sa umaga at sa gabi. Ikaw na yung maalaga.Ikaw ang sobra mag effort. Maraming nagbago sayo na dati ako ang gumagawa. Okey lang tawagin ka nilang under ko basta maparamdam mo na mahal mo ako. Lagi ka pang suplado sa mga chicks kahit barakada mo napansin din yon. Ibang-iba ka na.
Ako na tong naiinis kase lagi ka nag dedemand ng reply. Ako pa tong nang aaway sayo kase lahat pinagseselosan mo. Ako pa tong hindi magsosorry kase alam kong hindi mo ako matitiis. Ako na din ata itong nagiging kampante na hindi ka mang iiwan at alam kong mali na maramdaman ko to.
Pero mas masaya ako. Mas masaya ako sa gantong sitwasyon.
Lagi sakin sinasabi ni mama na magmahal ako ng taong mas mahal ako at ikaw nga yun. Masasabi ko ngayon na mas mahal mo ako kompara sa pagmamahal ko sayo. Araw-araw mong pinapatunayan yun.Napakita ko sa sayo ang halaga ko. Once na nalaman mo kung gaano kahalaga ang isang bagay..gagawin mo na ang lahat wag lang ito mawala.
Pang siyam na buwan na mula ng mangyare sa atin yon. Eto na tayo. Mas malakas, mas masaya.
Kaya kayo, huwag kayong matakot mag bigay ng chance..lahat ng mahal natin maaring saktan tayo, sadya man o hindi.. Kailangan lang natin piliin yung worth it luhaan at bigyan ng ikalawang pagkakataon, wag lang din puro mali tingnan natin, kung ibabalanse mo at mas matimbang pa din yung mga mabuting nagawa siya sayo.. Subukan mo pa ulit.
At doon sa mga nanakit. Sorry pero kahit anong gawin mo hindi mo na mababalik yung dating siya..lagi nang may kulang lagi ng may takot at pagdududa. Pero wag mo siyang sukuan, mas mahalin mo pa siya..sobrahan mo, buhusan mo, lunurin mo ng pagmamahal, i compensate mo yung sakit na naranasan niya sa love na ibibigay mo. Magiging okey din yan.