CHAPTER 1

59 4 0
                                    


I combed my hair through my fingers as I walked in my Mom's hotel. Tonight is her birthday and she asked me to come even though I don't want to. Naawa lang ako kay Eli kaya sumama na ko.

I'm wearing a Champagne long dress that highlighted my hair. Hindi na ko nag abala pang mag ayos dahil aalis din naman agad ako dito. Mom's friends and colleagues are so fake and hypocrite based on my observation. Hindi ko alam kung paano siya nakikitungo sa mga yun. Anyway, that's her life and I don't care. Really.

Kumuha ako ng wine glass at ginala ang paningin ko upang hanapin si Eli. And there I saw him with our mother, pinapakilala siya sa mga kaibigan nito.

I'm sipping on my glass when I heard someone murmuring --- or more like gossiping behind my back.

"I heard from my Mom na pumatol daw si Ms. Vega sa driver niya back then."

"That's true. And even her husband --- her ex-husband, I mean. Pumatol din noon si Mr. Arellano sa katulong nila. How gross."

My jaws clenched when I heard that. That's old news, bitches. Masyado na kayong outdated. Nilagok ko na ang natitirang wine sa baso ko bago ilapag yun sa table.

"May anak sila diba? She studied in UMak, ka-batch ng Kuya ko. Ang sabi malandi din daw yun," sabi nito sabay hagikhik.

My brows fleeked immediately when I heard it. How dare them talked about me behind my back?

"Saan pa ba magmamana, syempre sa parents niya." At naghagikhikan ulit sila.

I faced them because I can't take it anymore. Nginitian ko ang dalawang babae na halos tingalain ako. Naka-gown din sila kagaya ko and based from what I heard, may Mommy sila dito.

"Sorry for eavesdropping, huh. Masyado kasing malakas yung boses niyo. Konting hina naman, baka kasi may makarinig."

I thought they are going to back down because of what I've said and my expression. Pero sabay pa silang nagtaas ng kilay at humalukipkip.

"Kilala niyo ba kung sino ang pinag-uusapan niyo?" I asked them.

My friends can prove how impatient I can be when it comes to this. At hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakaganti.

"The celebrant. Why?"

Napapalatak ako. "You're here in her party tapos ay mag-uusap kayo ng kung anu-ano tungkol sa kanya? What a load of hypocrite, huh?"

Umirap yung chinita. "She's star of the night, right? Kaya dapat lang naman na siya ang pag-usapan."

Natawa ako. What an excuse.

"Anyway, I also heard na pinag-uusapan niyo yung anak niya. I know her, gusto niyong makilala?" Nginitian ko pa sila.

Napaawang ang bibig nung chinita pero hindi nagpatinag ang isa. They are both silent right now. May namataan akong waiter na may hawak na pitsel ng tubig at tinawag ito. I forcedfully get the pitcher from his hands at walang sabing binuhos ko sa dalawang chismosa ang laman 'non.

"Oh my gosh!" sabay na tili nila.

Tinaktak kong maigi ang pitsel sa kanila. Serves them right.

Inabot ko sa tulalang waiter ang pitsel na walang laman. Tumitili pa din ang dalawa, siguro ay nalalamigan na.

"Aurora!"

"Kirsten!"

May lumapit sa kanilang dalawang babae na ka-edad ni Mommy. Probably their mothers.

"What happened?!"

"Your daughters deserved it and I'm not sorry for it," wika ko. I know it's my fault pero hindi ko kayang magbingi-bingihan sa mga narinig ko.

FLAME (Bratinella Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon