Pinindot ni Jake ang doorbell at binuksan ng yaya nila Carmen ang gate. Pinapsok sila nito . Nasa sala sila at nakaupo habang tinatawag ng kanilang yaya ang Mommy at Daddy ni Carmen . Tumingin si Carmen kay Jake .
"This is the right thing to do---I'll talk to them and I'll fight for our love." Pahayag ni Jake.
Bigla namang dumating ang Mommy at Daddy ni Carmen .
"Anong ginagawa ng lalaking yan dito?!" Nanggagalaiting tanong ng ama ni Carmen .
Bigla namang napatayo sina Jake at Carmen sa kanilang inuupuan .
"Nalaman ko po na gusto niyo kaming paghiwalayin ni Carmen." Ani Jake .
"Oo . Hindi kayo dapat magsama ng anak ko . May mas higit na lalaki kaysa sayo na mas babagay sa anak ko." Sagot nito .
Lalong hinigpitan ni Jake ang pagkakahawak niya sa kamay ni Carmen .
"Hindii ko ho alam kung anong ayaw niyo sakin, pero anuman pong mangyari hindi po ako papayag na paghiwalayin niyo kami ng anak niyo."
"Aba't matapang ka, ha!"
Ambang susuntukin na sana niya si Jake ngunit pinigilan siya ng kaniyang asawa .
"Honey, don't!"
"Mahal ko po ang anak niyo. Ginagalang ko ho kayo pero ang paghiwalayin niyo po kaming dalwa, ibang usapan na yun." Paliwanag ni Jake.
" Kaya kong gawin ang lahat wag lang kayong magkatuluyan ng anak ko!"
"Kahit bugbugin mo po ako, kahit ipapatay nyo 'ko gagawin ko parin ang makakaya kong gawin wag lang kaming magkahiwlay."
"Kalokohan!" sigaw ni Dad Carl.
"Totoo ho yun . Nagmamakaawa ho ako, wag niyo na po kaming paghiwalayin ng anak niyo. Mahal po namin ang isa't isa. Kaya niyo bang nakikita ang iniyong anak na umiiyak at nasasaktan dahil lang sa maling desisyon niyo? Alam kong walang magulang ang gustong makita ang kanilang anak na nasasaktan at nahihirapan . At ayoko pong nakikitang umiiyak at nahihirapan si Carmen dahil mahal na mhal ko po siya."
Nagkatinginan ang ama't ina ni Carmen na parang nagkakakintindihan sa isa't isa.
"Kitang- kita ko sayo, hijo ang sincerity sa iyong mukha at nakita ko ang katapangan mo para ipaglaban ang aming anak. Tunay na mahal mo nga ang aming anak." Sabi ni Mom Jasmine .
"Nagpapasalamat ako na ikaw ang natagpuan ng aming anak . Nagsisisi ako sa nagawa at nasabi ko . Hinahayaan ko na kayong ipagpatuloy ang pagmamahalan niyo ." Ani naman ni Dad Carl.
Masayang nagkatinginan sina Jake at Carmen.
"Really??? For real ???" Di makapaniwalang tanong ni Carmen .
"Yes, hija ." Sagot ng kanyang ama .
"Kkyyaaa!!!"
Napatili siya sa tuwa at biglang niyakap si Jake at Jake hugged her back.
BINABASA MO ANG
True Man
Short StoryAno nga ba ang katangian ng isang tunay na lalaki? Pogi? Matalino ? Talented? Sweet? Eh, pagdating sa pag-ibig, ano ang kayang gawin ng isang lalaki sa bagay na ito at ano ang alam niya tungkol sa bagay na ito? Tunghayan natin sa maikling kwentong i...