Kasing bagal ng Pagong at kasing bilis ng kidlat ang pag Move-on

31 0 0
                                    

Nagmahal, linoko, iniwan, nag Mcdo, nag move on at gumanda. Yung tipong ginagamit nila ngayon yung Mcdo para mag move kumain kalang daw ng burger at ika'y makapag momove on na. Kaloka! Ehh anong kinalaman ng burger sa pag iibigan nyo? Anong kinalaman ng Burger sa iyong pagkasawi? Haaay. Nako! Minsan iba ibang pakulo na ang ginagawa ng mga tao makapag move on lang. Sadyang gustong gustong makawala sa mapait na nakaraan. Teka? Ba't mapait na nakaraan. Tanong ko lang? Natikman niyo na ba ang nakaraan? Meron din bang masarap, maasim, mapakla, at maanghang? Hahaha. Ang gulo ko lang ehh no? Kung ano ano ang gagawin makalimutan lang ang masalimuot at napakasakit na nakaraan.

Maraming nagsasabing "napaka dali lang naman nag move-on ahh." Yung tipong kasing bilis ni Flash at kasing bilis ng Kidlat. Kaso may mga tao ring nagsasabing "haayy! Ayoko na ang hirap hirap talagang mag move-on"  yung tipong sobrang bagal kagaya nalang ng internet ko sobrang bagal at pagong na mabagal maglakad.

Para sakin, Hindi para sa inyo. Haha joke lang. Masasabi mong mabilis kang makapag move on kung...










UNA - masasabi mong mabilis kang nakapag move on at nawala kaagad and feelings mo para sa isang tao ehh kung sa simula't sapul ehh di ka naman nagka feelings sa kanya. Muntanga lang move on daw ehh wala namang i-momove on. Ano ang i-momove on mo teh? Yung mga ginastos niya sayo? Tanga lang ehh no? Move on daw ehh kung di naman siya nagkafeelings tanging infatuation lang, paghanga o crush. Haayy mga tao ngayon nakikipag relasyon kahit wala namang nararamdaman. Kainis isa ka pong PAASA.









PANGALAWA - pangalawang maaaring dahilan kung bakit ka nakapag move on ka agad kasi mayroon kang napagaabalahan yung tipong pampalipas ng oras para Hindi siya maisip. Ganern! Haha. Kagaya nalang ng magtrabaho ka ganyan. Oo teh mag trabaho ka at para mka move on kaagad, sa Mcdo ka Po magtrabaho sulitin mo na teh kahit walang kinalaman ang mcdo sa pag momove ehh sa nauuso siya ngayon gora na Po ate sa Mcdo, tapos yung tipong ikaw yung taga linis ng table ng dati niyong kinakainan, linilinis mo, pinupunasan mo, tapos ang matindi niyan teh di mo namamalayan umiiyak kana. HAHA Ganon nga. Hahaha de joke lang mga Kuya, Ate Basta Po yung tipong di inyo siya maiisip kasi sa sobrang busy na Po kayo at BOOOMM nakapag move on kna teh. Yun Po mga Ate celebrate Po tayo kain tayo sa Mcdo. Haha









PANGATLO - congrats Mga Ate at Kuya nakapag move on ka Po sa iyong Ex dahil Po meron kang taong nakilala. Oo mga ateng yung taong di ka iiwan Hindi katulad ng walang hiya mong Ex. Yung taong mas binigyan mo ng pansin kaya ayun parang na transfer lang ba yung feelings mo sa Ex mo at ayun napunta sa Kay Kuyang/Ateng bago mong mahal.



















Masasabi mo ring ang bagal bagal o ang tagal tagal mong mag move-on kung...














UNA - mabagal kang mag move on kung palagi mo siyang iniisip. Mga Ate/Kuya naman ehh. Muntanga inyo mag move on Po kayo Hindi yung inaalala mo yung nakaraan. Nakaraan na nga ehh wag pong tanga. Ibigay mo Po ang iyong pansin sa iba nang sa gayon ika'y maka move on kaagad.














Pangalawa - kung ika'y umaasa paring magkakabalikan kayo. Inuulit ko po WAG KAYONG TANGA. Ehhh hiniwalayan ka na nga ng tao ehh tapos aasa kapa. Nako gumising ka sapagkat ika'y nahihibang.  Sa halip Po mag hanap ng taong magpapagaling diyan sa damdaming mong tanga at diyan sa puso mong sugatan upang maka move on ka ka agad.














Pangatlo - marami ang gumagawa nito kaya Hindi sila ka agad makapag move on ang I- STALK SI EX. Oo wag na kayong mag deny nga Ate/ Kuya sapagkat naranasan ko na iyan. Oo Ako rin, nahirapan rin Ako sa pag mo move on sa Ex ko. Yung tipong ini- stalk ko Fb niya, pinapanuod ko nga vines at videos niya. At ang masakit dun mga beh ehh yung may bago siyang nililigawan. Tapos eto Ako si tanga stalk Ako ng stalk sa kanya at pati sa kanyang nililigawan tapos eto masasaktan Ako. Ehh ang tanga tanga ko ayun natagalan akong mag move on siguro mga 5-6 months yung inabot ko mkapag move on lang sa kanya. Kaya advice mo mga beh WAG NIYONG I-STALK ANG EX NIYO . ngunit wag nito run siyang i-block mas mapapadali Po ang pag momove on kung haharapin mo siya. Sabi pa nga nila "face your fear" kumbaga . tangapin mo nalang Po.











Marami pang mga dahilan kung bakit mabilis o mabagal kang mag move on pero mga Ate/ Kuya kahit ano pa man yan. Move on na po , masakit Po ang umasa. Di ka nila iiwan kung mahal ka talaga nila siguro Hindi sila ang karapat dapat sayo wag Po kayong mag alala merong taong inilaan ng Diyos upang ika'y mapa saya. So ngiti na mga ate, Kuya wag pong malungkot sige ka papanget kayo lalo.
















@badangberyang

Nakakalokang Advice Badang BeryangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon