Prologue
Nilamon na ng takot ang pagkatao nya. Tingin sa kanan, sa kaliwa, naglilikot ang mga mata. Nangangamba na baka bigla syang magpakita ! Puno na ng takot, pangamba, pag aalinlangan. Hindi na sya gaya ng dati. Wala na syang sigla ! Buhay na patay ang tawag sa kanya.
Ni hindi mo makausap, balisang balisa at ramdam mo ang nangingibabaw na takot sa kanya.
Mga kamay nanginginig, mata'y di mapirmi. Pag nag iisa, lagi syang tulala at maririnig ang paghikbi.
Hindi na sya tulad ng dati. Wala na ang kislap sa mga mata. Wala na ang sigla ng mga ngiti. Nilamon na ng dilim ang makulay nyang mundo.
Patay na ang dating si Elaine. Wala na sya.
BINABASA MO ANG
Bakas Ng Kahapon
General FictionA story of a girl, a raped victim. This story is made by the author's imagination. Any same events, situation happened to this story may be a coincidence to someone you know or your own self.