Part I
"Bi, may imi.meet ako. Gusto mo ba sumama ?" Ani ni Cath habang nag aayos ng buhok sa salamin.
"Ano naman papel ko dyan ? Julalay nyo ? Wag na bi, enjoy the day nalang. Basta mag iingat sa mga mini.meet mo ah! " paalala ni Elaine sa kaibigan habang nag aayos ng mga gamit nya pagpasok sa school.
Sa iisang apartment lang sila nakatira ng kaibigan. Working student si Elaine at full time student and party goer naman si Cath.
Sa iisang private school din sila nag aaral. Hindi nga lang gaya ni Cath, ireggular student si Elaine dahil ilang beses na sya nahinto ng pag aaral.
"Ano ka ba bi, may kasama syang gwapo din. Broken hearted din daw. Tutal wala ka naman boyfriend. Wala naman masama kung susubukan mo". Pangungumbinsi ni Cath
"Ikaw nalang ! Madami pa ako gagawin. May mga cases pa ako sa opisina na dapat unahin. Buti ka pa sustentado. Ako kailangan ko magkayod kalabaw para makatapos." Paliwanag ni Elaine.
"Tara nga dito ! Sa ayaw at sa gusto mo ! Sasamahan mo ko mamaya ! Kailangan maganda ka sa pag nakipagkita tayo okay ?"
Inayusan ni Cath si Elaine, simple lang. Konting foundation and cream para matakpan ang pangingitim ng ilalim na mata ng dalaga. Ang pink lipstick para magmukha naman syang dalaga at hindi manang dahil sa kakatrabaho at aral.
"4pm out ko later sa klase ko. Ikaw 7pm ? right ? So uuwi muna ako at mag aayos ulit tapos I'll pick you up bi sa tapat ng school later" paliwanag ni Cath habang nakasakay sila sa taxi papuntang campus.
"Wag nalang kaya bi, madami pa ako gagawin eh. Baka kailanganin din ako sa office mamaya." sagot ni Elaine habang nakadungaw sa bintana ng taxi.
"I wont accept No as an Answer bi, maganda ka! Tinatago mo lang. Minsan you have to pamper yourself and enjoy what life is really meant for you. " hanggang sa nakarating na sila sa tapat ng campus.
"Osha ! Yung plano later bi ah ! Wag masyado paka stress"
Ngumiti lang si Elaine at nauna ng pumasok si Cath sa campus dahil hihintayin nya pa mga kaklase nya sa may smoking area sa labas ng campus.
"Ganda mo naman ngayon laine, ano meron ?" Tanong ni Mark na isa nyang tropa.
"Baliw ? Anong ano meron ? May klase tayo. Dalian nyo na magyosi at late na tayo" aya ni Laine.
"May date yan mamaya pustahan !" Pangangasar ni Gilbert.
"Ayan ah ! Pumapag ibig kana ngayon ate laine ah" gatong naman ni Leslie.
"Wala ! Grabe kayo. Napagtripan lang ako ni Cath kanina. Inayusan nya ako bago kame pumasok. Bawal ba ?" Nakangiting sagot ni Elaine.
"Aysus ! Mga ganyan awra may lakad yan mamaya eh. Naka dress pa !" Banat ni Daniel.
"Walang ganun ! Osha tara na ! Pasok na tayo" pag aaya ni Elaine sa mga klasmeyt nya.
Lumipas ang halos anim na oras sa klase at dalawang subjs. Ng mag vibrate ang phone ni Elaine.
Bi, im here outside na ! Just waiting for you. Make it quick. Im so excited na. -Cath
Bumaba na mula 5ft floor si Elaine at nakita si Cath na naka black dress and red high heels. Nasa harapan naman ni Cath ay isang black sports car.
Agad agad tumawid ng kalsada si Elaine na hindi namamalayan na may parating na motor. Muntikan na syang mahagip ng may humatak sa kanyang lalaki.
A/N
May nakarelate ba ? Yung mga mahilig makipag meet dyan :) this story is perfectly made for you.
BINABASA MO ANG
Bakas Ng Kahapon
General FictionA story of a girl, a raped victim. This story is made by the author's imagination. Any same events, situation happened to this story may be a coincidence to someone you know or your own self.