Chapter 20

9 0 0
                                    



MASAYANG pinag mamasdan ng binata ang mahimbing na natutulog na dalaga

Nakadama ng galak at ka kontentuhan ang binata dahil sa pangalawang pag kakataon napa sa kanya nanaman ang dalaga dahil walang ibang lalake ang dalaga kundi siya.

Tila ba ayaw na niyang  pakawalan ang dalaga na ngayon ay naka hilig sa braso niya Nais niyang manatili sila sa ganong posisyon habang buhay kaya naman mas nilapit niya ito sa kanya at niyakap pa sa ganong paraan mararamdaman niya mahal din siya ng dalaga.

Kaya determinado ang binata na gagawin niya ang lahat mahulog lang ang dalaga sa kanya sa nganun di na mapunta sa iba ang dalaga

Kaya sobrang selos ang naramdaman ng binata ng makitang nakikipag date sa ibang lalake ang mahal niyang si vienne

Habang pinag mamasdan niya ang dalaga naalala niya ang plano nila ng kanyang ama na labis na kinababahala niya na baka sa oras na malaman ng dalaga lalong lumayo ang loob niya sa kanya at kamuhian siya nito kaya naman nagagalit siya sa sarili niya dahil naging sunod sunuran sa walang kwentang ama niya na walang ibang kilala kundi ang PERA tanging pera lang ang nag papaikot sa mundo niya.

Noong una kaya lang niya tinulungan si vienne ay dahil sa inutos ng ama niya na lokohin ang dalaga at mag nakaw sa kompanya pero nakonsensya siya at unting unting na inlove sa dalaga kaya itinigil na niya iyung plano na lalong nagpagalit sa ama niyang si Marcos tinakot siya ng ama na isusuwalat ang naging plano nila pero di nag padala sa takot ang binata. Labis na pinag sisihan ng binata ito kaya nanumpa siyang di na siya pagagamit sa ama niya.

Wala siyang pakealam kung tutol ang ama niya sa pag mamahalan nila ni vienne kahit pa buong mundo ang tutol wala siyang pake dahil ipag lalaban niya ang dalaga

Natawa siya sa isip niya talagang nagiging korney ang isang tao kapag inlove.

marami siyang naging girlfriend pero di pa siya na inlove ng ganito Di pa siya nabaliw na tulad ng pag kabaliw niya sa dalaga

Pinipigilan niyang hawakan at pangigilan ang malambot at mapupulang pisngi ng dalaga dahil ayaw niyang magising ito sa mahimbing na pag kaka tulog. Ayaw niyang matapos agad ang panga ngangarap niya

Tinapik tapik niya pa ang puwetan ng dalaga na parang baby para mahimbingin ang tulog ng dalaga at di magising

Mahal niya ang dalaga  para siyang mababaliw kapag nawala pa ang dalaga sa kanya at mapunta sa iba

"Kaya sa oras na to di na kita papakawalan di ako susuko kahit mag mukha akong tanga na nag hahabol sayo di kita bibitawan wala ka ng magagawa dahil simula ngayon akin ka na kahit sa ayaw at sa gusto mo. "

Ang huling kataga niyang sinabi bago pa man niya muling yakapin ulit ang dalaga at ikolong sa matitigas niyang bisig


-van

Vienne The MaldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon