Run away

7 0 0
                                    

Chapter 21: busted

Vienne's POV

Mag gagabi na pero tambak pa din yung mga paper works sa table ko. Mag hapon na akong naka harap sa salamin

Bumalik na din si tanya sa trabaho tahimik na ulit ang buhay ko mag hapon ding di nagparamdam sakin si marco na ikina tuwa ko

"Lyn come here" tawag ko sa kanya sa intercom

"Igawa mo ako ng pancake maple syrup ang gusto ko"

"Okay po"
 

Dumiretso naman siya sa kusina para mag luto

Habang nag hihintay nag babasa pa din ako para matapos ko na yung paper works na naka tambak sa table ko. Nag inat inat naman ako dahil sa panga- ngawit sa mag hapong pag tytype

Nang ilang sandali lang naamoy ko na ang mabangong pancake. Lumabas naman ng kusina si lyn na dala dapa ang isang plato na may tatlong layer ng pancake
Mabilis ko namang inabot yun at inilapag sa table

"Madam PG ka naman masyado"

"ANO?!"

"Hehehe joke lang? May iiuutos ka pa po ba mahal na reyna?"
Nag kunwari pa siyang nag bow na parang may mahabang palda na tila isang utusan ng reyna tsk napa irap ako sa kalokohan niya pero nanatiling naka ngiti lang siya.

Kumaen na lang ulit ako ng pancake na malapit ko ng maubos ng bigla akong nasamid

"Madam oh tubig"

Ininom ko naman agad yung tubig na inabot sakin ni lyn.

"Naku madame naalala ka panigurado ni sir marco"

Sinamaan ko lang siya ng tingin para patahimikin sa ano mang sasabihin pa niya

"Hehe labas na ako madame!"

Nang nasawa ako sa pag kain ng pancake pinag patuloy ko na ang pag tapos sa paper works.

Nang mag ring yung phone ko

"Hello?"

"Ate kamusta?" Masigla niyang tanong

"Anong kailangan?"
Mataray kong tanong agad ko naman narinig ang pag tawa niya

"Date tayo?" Tanong niya na parang kinikilig tsk!

"Libre mo?"

"Ikaw milyonarya diyan eh! Tas ako ang pag babayarin mo?" Kahit di ko siya nakikita alam kong naka nguso siya

"Tch wag kang ngumuso diyan! Ang panget mo"

"Ehhh haha kasi naman ate! Sige na?! May ipapakilala ako sayo!"

"Boyfriend mo?"

"Hehe. basta sumama ka na kasi!"

"Sinasabi ko lang sayo venus! Mag aral ka muna bago ka kumerengkeng"

"Ehhh"

"Marami akong trabaho wala akong oras sa kalokohan mo"

"Tsss sungit"

Binabaan ko na siya ng tawag dahil kukulitin niya lang ako panigurado

Itinuon ko na ulit yung atensyon ko sa ginagawa sa laptop.

"Ate tara na! Oo na libre ko na! Ako sagot sa lahat!"

"Wala akong pake! Lumayas kana may ginagawa pa ako"

Sabi ko sa kanya habang pumipirma para sa mga pasweswelduhing empleyado.
Inagay naman niya yun sakin at hinila patayo

"Venus wala akong time makipag lokohan!"

Vienne The MaldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon