[First Day of Classes, Junior Year]
"Olive bilisan mo!" tawag ng mommy ni Olivia sa kanya. Ngayon ay ang unang araw nya sa new school nya at male-late na sya.
"-My wait. Anong oras na po ba?" sabi ko habang kinukusot ang aking mata at humihikab pa.
"Dios mio kang bata ka! Maga-alas siete na! 7:30 ang start ng klase mo!"
Pagkarinig ko non ay dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo at naligo. Ni- blow dry ko ang buhok ko at nagpulbo. Pagkababa ko ay kinuha ko ang sandwich sa ibabaw ng kitchen island at binitbit ang bag ko. Nakastart na ang kotse kaya't agad din kaming nakaalis ni mommy. Mabuti nalang at walang masyadong traffic sa dinaanan namin kundi ay baka inabot na ako ng alas otso at nasa byahe pa rin ako.
"Anak, ayusin ang pag-aaral ha."
"Opo -my. Pasok na po ako."
"Susunduin pa ba kita o kaya mo na ?"
"Wag na po -my. Mamamasahe nalang po ako. Alam ko naman na po yung mga sakayan."
"Oh siya, sige aalis na ko" I kissed my mom on the cheek bago sya umalis. Dumiretso ako ng Registrar para kunin ang class schedule ko. Dali - dali kong pinuntahan ang room assignment ko at nagulat ng lahat ng estudyante ay nandoon na, mukhang ako nalang ang kulang. Nakakahiya!
"Good morning Miss. May I come in?" pagbati ko.
"Yes you may" then she smiled at me.
Umupo ako sa unang bakanteng upuang nakita ko, nasa pangalawang line iyon at nasa pinakagilid.
"Good morning class! Now that you're already complete pwede na tayong magstart sa pagpapakilala. I know some of you already know each other dahil ilang taon na kayo rito kaya uunahin natin ang huling dumating " she laughed "but before that please let me formally introduce myself. I am Ms. Angela Villaruiz and I will be your adviser for the whole year. Some of you here have already been my students so kilala niyo na ako. I'm a Music teacher and I will be handling your Music and Arts subjects. Nice to meet you all. Okay Miss please introduce yourself here in front." tawag nya sakin.
Tumayo na ako at pumunta sa harapan at sinimulan ang aking introduction.
"Good morning, I am Olivia Lopez and I'm a transferee. I am 14 years old and I like music. That's all thanks." bumalik na ako sa upuan at umupo. Isa - isa nang nagpakilala ang mga kaklase ko. Halos hindi na nila pinapakinggan ang isa't - isa marahil na rin sa matagal na silang magkakakilala. Tahimik lang akong nakinig sa mga pagpapakilala nila. Nung nagbell ay nagstay lang ako sa room at nilabas ang tuna sandwich na gawa ni mama. Buti nalang talaga nagbaon ako nito hindi ko na kailangang bumaba. Kinuha ko ang cellphone ko at nagearphones. Nilabas ko rin ang librong binabasa ko kagabi. Busyng busy ako sa ginagawa ko when somebody caught my attention, a guy is already seating beside me at may sinasabi sya. Tinanggal ko ang isang earphone at pinakinggan ang sinasabi nya."Hi I'm Leonardo, Leo for short" he said as he offered me his hand.
"I'm Olivia, Liv nalang." I said as I took his hand.He started asking questions about my family and stuff. The likes ganon, he was fun kausap. I guess this guy is gonna be my friend. Tahimik lang ako buong klase dahil si Leo pa lang naman ang kakilala ko dito. Tumunog muli ang bell na naghudyat ng pagtatapos ng aking first day of class dito sa St. Francis.
Dumaan muna ako sa isang bookstore bago umuwi. May nakita akong pamilyar na mukha, si Josh yata iyon, yung top 1 noong nakaraang batch. Hindi tulad ng mga ibang kaklase kong lalake si Josh, naobserbahan kong mas gusto nya yung tahimik, akala ko nga noong una ay transferee din sya sapagkat walang nakikipag-usap sa kanya. Sabi ni Leo loner daw si Josh, ganun daw talaga kapag matalino gusto nag-iisa.
Nagpunta ako sa mga notebook section para pumili ng binder notebook nang makasalubong ko si Josh, napansin ko na ang tangkad nya pala sa malapitan, nakakapanliit.
"Staring is bad, you know."
"Ha?" I asked disoriented.
"Tss."
Dumampot sya ng dalawang binder notebook at nagtungo na sa cashier upang magbayad. Tumungo na rin ako papunta sa cashier at nagbayad. Pagkalabas ko ay nakita ko si Josh na pinagbubuksan ng kotse ng driver ata nila. Ang yaman naman pala nitong lalaking 'to de-driver pa.
Tumawid ako at nag-abang ng jeep pauwi. Matapos ang ilang minuto ay may jeep na ring tumigil sa aking harapan at nakasakay na ako. Tahimik lang akong nakikinig ng music sa cellphone ko habang kami ay stuck sa traffic.Dumeretso ako pupunta sa kusina at nakita ang post it note na nakadikit sa ref na may message na:
" Nak, I came to the grocery to buy our supplies. Hope you had a great day x"
-mum
I dialled my mom's number and she picked up after two rings."Hey mum"
"Hi Liv, nakauwi ka na?"
"Opo."
"Good. Siguro twenty minutes and I'll be home already."
"Oh. Take care, love you."
"Love you too."
I hanged up then went upstairs. I fired up my laptop to open my facebook, then I saw my classmates' friend requests. In-accept ko ang mga friend requests nila at sinearch ang account ni Josh. I don't know but something's bugging me at ang pagtingin sa facebook nya ang sagot para matahimik ito. I went to Leo's wall and searched for Josh. Lumabas ang Joshua Stanley Vasquez kaya ni-click ko ang account nya at tinignan ito. Walang masyadong laman ang timeline nya na post nya. Mostly ay mga tagged posts ng mama nya. Then it hit me. This Joshua Vasquez na kaklase ko ay ang apo ng may-ari ng Vasquez Medical Center. Aba! Ang yaman pala nito ni sungit. Nalibang ako sa pagtingin sa kanyang mga pictures hanggang sa nakaabot ako sa mga posts nya two years ago. Ang cute nya sa kanyang picture na kuha ata ng kanyang Mama. Nakaupo siya noon sa isang bench sa Hong Kong Disneyland at kumakain ng ice cream. I was so mesmerized by it dahil stolen ito. Mukhang napakasaya nya habang kumakain ng ice cream. Nagulat ako ng bigla kong napindot ang "like" button.
What the freaking hell! Anong klaseng katangahan ito. Dali-dali ko itong in-unlike as I curse myself mentally, nang biglang may nagnotify sa messenger ko.
Joshua Stanley Vasquez : Stalking is bad, you know.
At bago pa ako makapagtype ng reply, may bago na namang notification ang lumabas.
Joshua Stanley Vasquez added you as a friend
YOU ARE READING
Forever and Always
Teen FictionOlivia Lopez is just your typical high school girl. She seems meek and silent but deep down she has her own tendencies. She wants to discover yet she wants to be safe. But one person will drive her out of her safe zone. Isang taong magpapalabas sa k...