Anna's POV:/
Pag bukas ko ng gate agad na tumambad sakin ang bulto ng malaki, makisig at poging lalaki
" wahhhhh namiss po kita" at agad na niyakap ko siya ang saya saya ko promise
"oh anak baka hindi na ako makahinga niyan" biro sa akin ni papa.
"hihi papa naman eh, miss na miss na miss po kita" malumanay na sabi ko
"naku anak hindi mo ba ako papasukin? ang dami kong dalang maleta oh" mala arteng sabi ni daddy tska pumasok kami sa loob grabe ang daming kwento ni papa tapos kinakamusta niya yung bagong University na nilipatan ko tapos kung okay lang ba daw ako rito kung kumakain daw ba ako ng maayos baka daw kasi puro gadgets lang ang atupagin ko
"papa" sabi ko kay papa
"oh bakit my princess?" mapang asar na sagot ni papa
"papa naman eh malaki na po hindi na po ako bata para maging princess mo" sabi ko sabay pout
"hahaha oh sige sige ano ba yung sasabihin mo?" tanong sakin ni papa at agad na sumigla ang diwa ko
"ahmm., daddy gala po tayo bukas please*puppy eyes*" paglalambing ko kay papa sana gumana
"susubukan ko anak" tugon ni papa
"papa naman eh sige na ngayon lang naman eh mall tayo bukas papa bonding po tayo please" malambing na tugon ko kay papa
"hmmm ang cute cute talaga ng prinsesa ko, sige prinsesa ko gagala tayo bukas pero pwede bang magpahinga muna si papa mo? pagod na pagod na ako eh" pagpapacute ni papa
"bwahaha papa hindi bagay sayo magpacute ang tanda mo na" biro ko kay papa pero pogi naman talaga si papa hindi nga halata nga 43 na siya eh ewan ko ba kung bakit
"ewan ko sayong bata ka" sabay akyat ni papa sa kwarto niya napatawa nalang ako dahil sa inaasal ni papa para siyang bata na ewan basta hindi ko maintindihan ang mood ni papa minsan seryoso, minsan naman parang bata
Hanggang sa sumapit na ang gabi at ang daming niluto ni daddy, si daddy kasi nag aral siya kung pano mag luto tska magaling din siyang mag bake nung isang araw nga nagpaturo ako kay papa kaso palpak hindi siya umulbo tapos inaasar naman ako ni papa
"hmm sarap naman nito, teka pa bakit po andami mong niluto eh sa susunod na buwan pa naman yung birthday ko tska wala naman pong okasyon ngayon eh" nagtatakang tanong ko kay papa
"haha hindi naman anak gusto ko lang bumawi sa mahal kong prinsesa" sabay yakap sakin ni papa
"wow ang sweet naman ng mahal kong ama" sabay pisil ko sa mukha ni papa tapos tumakbo sa pwesto ko hindi kasi maipinta yung mukha ni papa haha siguro naaasar sa ginawa ko ayaw niya pa namang kinukurot yung pesnge niya eh
Pagkatapos naming kumain ay agad na nagtungo ako sa kwarto upang matulog tapos si papa nagliligpit ng pinagkainan namin sabi ko naman sakanya na tutulong ako sa paghuhugas pero sabi niya wag na daw gusto talagang bumawi ni papa sakin
Tapos pumasok na ako sa aking kwarto at wala pang limang minuto nakatulog na agad ako
---
Kung tinatanong nyo kung ano ang ginawa namin kahapon ni papa? wala lang naman nag ikot ikot lang kami nanuod ng sine, kumain kung saan namin magustuhan, nag laro sa arcade tska nag ice cream bonding din kami. sa sobrang pre occupied ko hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng University,
pagkapasok ko palang sa University ay narinig ko na kaagad ang mga bulong bulongan nila
"yan ba yung transferre?" Girl 1
"oo girl para ngang bruha eh" Girl 2
"ayy tama ka girl" pagsang ayon ni Girl 3
"naku akala ko ba bawal pets dito bakit siya tinanggap?" sabi naman ni Girl 1
"hahaha naku girl ah wag kang masyadong hard sa bruhang babaeng yan" sabi ni girl 3 na sinabayan ng halakhak ni girl 2
Nang marinig ko yun agad akong tumakbo papuntang banyo at pumasok sa cubicle dun ko binuhos yung mga luhang kanina pa gustong pumatak pero pinipigilan ko lang
"ano ba *hik* naman kasi *hik* ang kasalanan *hik* ko sa kanila? *hik*" tanong ko sa sarili ko habang humihikbi. palabas na sana ako sa cubicle kaso narinig kong bumukas yung pintuan ng cr kaya bumalik muna ako sa cubicle
"grabe yung bulong bulongan tungkol kay anna naaawa tuloy ako sakanya parang gusto ko siyang kausapin" sabi nung babae
"naku ikaw brena wag ka nga maawa sa mangkukulam na yun di naman siya nababagay sa'tin hindi niya tayo ka level noh" mataray na pahayag ng babae. lalo lang tuloy akong napaiyak
"ayy naku girls tara na nga at baka malate tayo sa class natin" sabi ng kaibigan niya
"mas mabuti pa nga" pag sang ayon naman ng babae
at tska ako humagulgol ng iyak
"hindi ko *hik* na talaga *hik* kaya *hik*" sabi ko na parang sumusuko pero hindi pwede kailangan kong mag aral ng mabuti para sa kinabukasan ko kaya nung natiyak ko na lumabas na sila sa cr pinalipas ko muna ang 2 minuto at agad na lumabas ng cubicle at nagtungo sa room namin, habang naglalakad ako ang daming tumitingin sa akin kaya nakayuko lang ako habang naglalakad kaya hindi ko namalayan na may pumatid pala saakin kaya nadapa ako"ano ba yan! ang tanga tanga mo naman kasing babae ka! anong silbi ng mata mo kung hindi ka naman tumitingin sa dinadaanan mo ha?!!" pasigaw na sabi nung babaeng pumatid sa akin
"pasensya na po" sabi ko sabay pulot sa mga gamit ko na bumagsak pero hindi pa siya nakuntento at sinabunutan niya pa ako grabe hindi ko na kaya ang lahat ng to ang daming taong nakapaligid sa amin tila parang nanunuod ng live tapos may babaeng lumapit sa'min
"angela bitiwan mo nga siya hindi ka ba naawa sa kanya? alam mong wala na nga siyang laban sayo tapos gaganyanin mo pa?" galit sa pahayag ng babaeng lumapit samin tska kinuha niya ako sa angela ata
"ano ba brena wag ka ngang mangialam problema ko na ito" halos pasigaw na sabi nung angela
"binabalaan kita angela kung sasaktan mo man ulit si anna ako na ang makakalaban mo tandaan mo yan!" sabi ni brena? oo si brena tapos sinama niya ako papuntang rooftop ng building
"anna wag ka nang umiyak magiging maayos din ang lahat" sabi ni brena
"bakit mo ba *hik* ginagawa sa akin to *hik* diba dapat inaaway *hik* mo din ako *hik*" sabi ko sa kanya
"anna makinig ka sa akin ayaw ko lang na sinasaktan ka nila tska gusto kong maging kaibigan kita promise pag naging kaibigan mo ako walang sino ang makaka panakit at makakapang api sayo ng basta basta promise" sabi niya sabay taas ng kanang kamay niya na parang nanunumpa natawa naman ako sa inasal niya para tuloy akong engot dito
"hahaha sige simula ngayon kaibigan na tayo nga pala ako si Aubrinna Ivee Marie Ellery 16 yrs.old ikaw?" pagpapakilala ko sakanya
"ehem ako pala si Sabrina Mendez call me brena kung gusto mo 17 na ako" sabi niya sabay lahad ng kamay tska tinanggap ko naman
"friends forever" sabay na sabi namin tska sabay kaming pumasok sa room yes classmate ko siya hindi ko lang napapansin
P.S:/ ohh ayan may friend na si anna hindi na siya forever alone :D
thank you
Goodbless ^.^
YOU ARE READING
The Unexpected Love
RandomSi Anna ay isang nerd na palaging naka suot ng malajing salamin, manang manamit at walang ka taste taste sa kung ano man ang kanyang susuotin na nainlove sa isang playboy na si Kenjie ngunit ang hindi alam ni Anna pinagpustahan lang pala siya nila K...