Hana

71 1 5
                                    

Matatapos mo na 'yung ipinabasa ko sa'yo?

The message said as soon as I opened my Messenger app.

Saturday afternoons were completely boring without a crazed chats with her. Wala parin akong pasok ngayon dahil bakasyon at kahit gusto kong matulog at kumain maghapon ay hindi makukumpleto ang araw ko kapag walang kausap.

Wala akong bestfriend o kahit kaibigan manlang na pwedeng maayang lumabas. Aloof naman ako at mas gusto kong mag-isa kapag nasa school ako. Taong kweba kasi yata ako at feel na feel kong magkulong kapag may ganitong pagkakataon. Well, I have my online friends at kapatid na ang turingan namin.

I wished to have a sister. Ayoko kasing maging panganay noon. Pero natanggap ko rin kasi hindi naman pwede 'yung hinihiling ko. My wish was granted though when He gave me a sister sa katauhan ng mga online friends ko. Hindi lang isa, ang dami nila kaya todo-todo ang pasasalamat ko. Hindi kasi lahat ng makikilala mo sa internet ay mababait pero sinuwerte nga yata ako dahil hindi lang sila mababait. Lahat pa ay may saltik.

I typed and sent her my reply and she eagerly responded.

Ate Lyss: Malapit ka na palang matapos. Ipapakilala ko sa'yo 'yung portrayer ng bidang lalaki kaya ko natanong. Alam kong hindi mo bet kapag may portrayer but let's give it a try.

Nagtatakaw ako sa kusina. Nagutom kasi ako bigla. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

Sinetch, Ate?

Tanong ko kahit hindi ako ganun kainteresado. Ayoko kasi na may portrayer 'yung characters ng kwento. Minsan hindi swak sa katauhan nung gumaganap 'yung characteristic na hinihingi ng tauhan. Masisira lang ang pagbabasa ko at baka mayamot lang ako, di ko pa tapusin ang pagbabasa.

Magkausap kami palagi ni Ate Lyss at sa totoo lang, wala kaming topic na natatapos. Hindi yata kami makukuntento na iisa lang ang paksa ng usapan, hindi pa tapos ang isa ay may panibago na naman kaya nagsasali-salisi ang replies namin. Nakakaloka. Pero sanay na ako kahit nakakahilo minsan. Ako kasi ang pampagulo.

Ate Lyss: Ayan, bawal maglaway.

She warned, with an attached photo of a guy, more of a boy with an apple in his hand, squatted on a steep. Ang gwapo! 'Yung gwapong may kahalong kakyutan. I giggled at my thought.

Iniligpit ko ang pinagkainan ko saka ako bumalik sa kwarto at sumalampak sa higaan.

Ang saya ng buhay kung palaging ganito. Payapa. Walang panira ng pahinga. Mag-isa lang kasi ako sa bahay kapag sabado dahil maghapong nasa bahay ng Tita ko ang dalawa kong kapatid. Si Mama naman ay nasa trabaho.

Taray, pak na pak Ate! Ako na lang si Eva at sya si Satanas. Akin na lang ang mansanas nya at natetempt ako d'yan! Pero mukha syang anghel. Anghel ng temptasyon. Dyusko, saang planeta 'yan matatagpuan? Pwedeng iuwi?

Ang bilis kong magtype at hindi ko alam kung bakit naeexcite ako. I stared at his picture for a minute and Ate Lyss flooded me with pictures and video clips of this boy whose name I don't even know.

Ate Lyss: Sabi na, eh. Magugustuhan mo rin sya. The name is Jeon Jungkook. Eighteen years old kung ibabase ang pagbibilang ng edad dito sa atin. Iba kasi ang counting sa Korea.

Behind The Scenes (BTS Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon