Set

51 1 6
                                    

Everything happened instantaneously. I saw myself calling the sender's unregistered number in a split-second. My hands were visibly trembling in anger. Pakiramdam ko, may mali. Lahat na lang ay mali. Gahd, gigil na gigil ako!

How could this human do such things as to send me an effing text message indirectly asking who will I opt to live with between my parents?

The call got connected on the first ring and thousand expletives formed instantly inside my head. I had an inkling that I need to record this conversation and I absentmindedly pressed the record button.

"Speak now." I said as seconds count ascending on my phone screen. I need to keep myself calm and my rude mouth shut as much as I could because I'm still his own blood and flesh after all.

I heard incoherent words from the other line which I think from a witch's voice. I nearly cried in relief.

Hindi si Papa ang nagsend ng text message sa akin. Ang kabit nya. Pero bakit?

"Haliparot na mukhang paliparan ng eroplano ang noo, anong problema mo at naninira ka ng araw ng ibang tao. Peste ka!"

More incoherent words came out as irritating high-pitched voice of that woman nearly deafen my ear.

Kilala ko ang babae ni Papa. High school pa lang ako ay nakikita ko nang nag-aaway ang mga magulang ko. Nakita kong may pinunit na litrato si Mama. Minsan ko na iyong nakita sa bag ni Papa noong ipinakuha nya sa akin iyong gel pen nya.

Hindi ako naghinala. Alam ko na talagang may kabit si Papa. Hindi rin nakakagulat dahil nasa dugo nila ang pagiging babaero. Ang Lolo Rado ko kasi ay naka-tatlong asawa na.

Sinubukan kong buuin iyong pinunit ni Mama nang maiwan iyong nakakalat sa sala. Litrato ng babae. Babaeng maedad na. Mukhang nagbabad sa glutha pero hindi nilubayan ng kulubot sa mukha. Hirap at pilit ang mga ngiti. Mukhang matatae.

My Mom's actually a Beauty Queen compared to this woman. Kaya nakakairita na hindi pa rin makuntento si Papa kay Mama. Kaya nakakapagtakang magtatagal ang kung anong meron sila ng kabit nya.

"Tanga. Sana inayos mo muna ang call setting ng telepono mong naka-auto-answer bago ka nagpadala ng mensahe sakin. Nabubuking ang kagagahan mong desperada ka!" I uttered in a loud voice before ending that nonsense.

Hindi na ako nagtaka kung saan nya nakuha ang numero ko. Evil never gets out of ways. But wins not. And will never.

••♥••

Maghapon kong nilinis ang buong bahay katulong ang mga kapatid ko. Nagpaka-abala ako para maalis sa isip ko ang bwisit na hatid ng babae ng ama ko.

"Ate! Taan po yung naruan ko nga?" Pagtataray ng batang higit higit ang blusa ko.

"Nilagay ko po sa kwarto n'yo ni Mama. Dun ka magkalat. Wag ka pong maldita, sakin ka pa kasi nagmana." Gigil na kinurot ko sya sa pisngi. Nagtatakbo naman sya papasok sa kwarto nila ni Mama. "Buti pa itong bubwit na 'to hindi napagod samantalang kanina pa takbo nang takbo." S'ya kasi ang taga-kuha ng mga kailangan ko habang naglilinis. Taga-abot ng malayo sa akin kapag hindi ako makatayo agad.

Ilang minuto lang ay patakbo rin syang bumalik papalapit sa kusina kung saan naroroon ako at naghahanap ng meryenda, hawak-hawak nya ang cellular phone ko habang tumutugtog.

"Kinuha mo na naman iyan? Dahan-dahan, mukha kang madadapa palagi." Pasayaw sayaw sya nang iabot sa akin ang cellphone ko. Mukhang sa kwarto ko dumiretso si Shy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The Scenes (BTS Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon