Intro : Alien Meteor

13 1 0
                                    

All of these are only author's wild imagination. This is actually a nice story just trust the author's wildest dreams and imaginations!

Written in Taglish.
Characters : Kim Taehyung (Bts' V) As Alien/Allen
                     Readers as Jash (Girl)
                    

- - -
Sa wakas! Tapos na ang college! Makakagraduate na rin ako bilang isang chef! Thanks to my hardwork makakaalis na ako sa boring na school na to'!

Habang masayang naglalakad, Tumingin ako sa bintana ng school na ito. At parang bay may nakita akong something shiny sa itaas. Parang ufo? Pero sabi nila hindi raw totoo ang mga yun, so baka meteor strike?

Wala namang nakanews na may tatama, walang sinasabi yung NASA so siguro guni-guni ko lang iyon..

Nagpatuloy akong lumakad pero hindi ako nakatiis kaya napatingin ako uli sa bintana. Wala na ito, sabi na nga ba guni-guni ko lang ito.

Nagpatuloy ulit ako hanggang sa makaalis na ako, kelangan kong kumain sa labas gutom na ako eh, mahal kasi ang mga tinda dito. So balak kong pumunta sa kainan malapit lang sa school.

"Ooh~ Ang sarap naman~" Sabi ko sa mga nakadisplay na pagkain. Merong nilaga, may sinigang, may adobo, at iba pang masarap na pagkain.

"Sinigang nga po at rice!" Sabi ko sa nagtitinda at binigyan niya ako ng isang plato ng 2 cups ng rice at isang bowl ng sinigang. Ambait nila saakin noh? May libre pa akong kanin hehehe.

"Thank you po sa extra rice!" Sabi ko at kumain sa bakanteng pwesto. Pinagmasdan ko ang tv na nag-brobroadcast sa isang meteor strike sa pinas.

Nood. Subo. Nood. Subo.

Paulit ulit kong ginawa hanggang maubos ko ang kanin at nakita ko na naganap ang meteor strike sa barangay namin! Oh may ghad! Kelangan ko nang umuwi baka may nangyari kina mama!!

Nagmamadali akong umalis at nagpara ng tricycle papunta sa barangay namin. Pumunta ako sa bahay pero wala namang sunog o meteor kaya napabuntong hininga na lang ako..

Nang papasok na ako sa bahay para alamin kung safe si Ma' nagbayad muna ako ng pamasahe at dumiretsong kumatok sa bahay.

"Ma?" Nag-aalalang tanong ko at binuksan niya ang pintuan, Pawis na pawis siya na parang nakigyera dahil sa mga dungis sa mukha niya. Ano kayang nangyari?

"A-anak! Buti pa nga napadalaw ka! Kung hindi mo lang nakita! May meteor strike kanina habang papunta ako sa bahay dun sa park na pinaglalaruan niyo dati ni Tomi may nakita akong sugatan na lalake! Hindi ako nakatawag ng ambulansya kasi hindi ko alam gumamit ng cellphone! Kaya inuwi ko na lang siya!" Sabi niya, Kaya pala. Minsan nga naman mabait si mama kaso kelangan maging modernized na ang pag-iisip.

"So, Siya yung lalakeng nakita mong sugatan?" Tanong ko sa lalakeng mukhang nakatulog lang. Konting galos lang inabot at mukhang koreano. Akalain mo ang puti at ang cute.

"Oo eh, Na cute-an ako sa kanya kaya na-isipan ko rin na pano kaya kung ipakasal ko na siya sayo." Ay nababaliw nanaman si mama ano bang mga sinasabi nito?!

"Ayaw ko nga. Hindi ko pa siya kilala." Sabi ko, Hindi ako pwedeng mainlab sa hindi ko kakilala at si mama naman kuha ng kuha ng mga lalakeng andyan lang. Ihanda ko na siguro ang palayok pag gising na to, baka may kung ano pang gawin saamin.

"Anak, Alagaan mo muna siya ah, kelangan kong pumunta sa work. Tumawag kasi kanina si Alvie kaya magpapalit muna ako ok?" Sabi niya at tumango na lang ako. So It's only me and this hilaw cute guy?

Kumuha ako ng first aid kit at sinimulang gamutin ang mga galos niya sa kamay niya. Binantayan ko siya hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako.

******
Nang kakagising ko parang may narinig akong strange sound.

"(Talking to Alien Language 👽👽👽)" Oh may ghad ano ang mga pinagsasabi ng lalakeng to! I poked his cheeks then he stared at me.

*Lub dub lub*

"W-what's you'r name?" Tanong ko

"Alien no. 10..." Sabi niya, Wha-what? May ganun bang pangalan?

"May ganun bang pangalan?" Tanong ko.

"A-ah..M-meron, kaso kelangan ko nang umalis dito at pumunta sa planet mars." What? Mars? Alien ba talaga to o nababaliw lang?

"Mars? Diba malayo dun? Baka mapanganib ka..." Oo na, medyo nag-aalala na rin ako sa mga kinikilos ng alien no. 10 na to.

"Ahm..Ano palang pangalan mo?" Tanong niya saakin.

"Jash, Yun ang pangalan ko." Sabi ko at napangiti naman siya.

"Human names are more unique than alien's names.." Alien ba talaga ito?

"Alien ka ba talaga?" Tanong ko at nag nod ito, Oh may ghad! Pano siyang magiging alien?! Baka siya yung nasa loob ng ufo na nakita ko pero sabi ni Ma, Meteor. So ibig sabihin..

"Pano ka magiging alien eh, Aliens are just myths." Sabi ko pero bigla itong nagalit! Hala nakakatakot.

"Aliens are real! Kailangan kong mahanap ang mga allies ko! Si Alien Top at Alien Bom at yung mga iba pa!" Hah? May kasama pa ito?! Pano na to' Katapusan na ba ng mundo? Alien invasion!

Waaa! Kumuha ako ng unan at binato sa kanya, bigla itong nahimatay!
Ok! So plano ko ngayon ay paalisin tong alien na to sa pamamahay ko! Hinila ko ang paa niya paalis sa bahay at iniwan sa labas.

Hay naku, kahit payatot yun mabigat din pala yun...
Napa-higa na lang ako sa sofa at nagpahinga at natulog ulit.

My Alien LovestoryWhere stories live. Discover now