"Pustiso ka ba?"
"Bakit?!"
"Kasi I can't smile without you. Ayiie!"
Baliw to! Siya nag punchline, siya din sumuporta sa sarili niyang punchline. Malupet bes. Grabe
"Thank you contestant no. 17. Wow! That guy is okay"
Nagpalakpan ang iilan ng lumabas na ang no. 17. I swear, ang kokorni nila
"Shut up na besss ah, si Marco na susunod" sabay kuha ni Margaux ng camera niya.
"Grabe! Di halatang prepared si besss"
Hindi niya kami pinansin ni France at nagpaka busy lang sa pag vi-video sa twinny niya.
"Let's welcome!... From class E. Heartthrob no. 18! The recent title holder... Marco Sebastian Agustin!"
"Woooh!" Sigaw ng karamihan pero mas malakas talaga kay Marg.
"Baliwan? Akala ko ba shut up lang?" Inirapan lang ni Marg si Bakla at nag focus sa camera niya.
Nagtanongan lang sila at nagpasabog ng mga corning punchlines. Swear, pagkatapos ni Carlos aalis na talaga ako. Huhuhu 19 pa siya...
"Wow! You've fully grown ah. Is it because it's already your last year?"
Hinawi ni Marco ang medyo mahaba niyang buhok kasabay ng tilian ng mga malalandi- ay gurls pala
"Maybe. What do you think?"
"I think the girls are ready to hear who's your date for this year. Uy, rinig ko naging kayo daw ng date mo last year"
Nagmura si Marg sa pagkachismosa ng emcee. I knew this. Alam na alam ko to. Alam ko kung sino ang tinutukoy ng emcee at alam ko kung panu naghiwalay ang dalawa...
