I N G G R I D's POV
"Ako na una diba?!"
"Logically speaking... Ako nauna"
"Pero I kneeled at her first!"
"Why are we fighting over petty things ha? Are you that greedy?"
"Bakit ikaw? Nahimasok ka lang naman ah!"
Binitawan ko ang tenga ko at tumayo mula sa sofa "girls please! Can you stop that? Nakakarindi na kayo!... I will fix my schedule. Final"
"No" at nakidagdag pa tong Ashton na to
Pinag usap kasi kami ng faculty sa backstage about sa nangyari kanina. Actually Kanina pa tapos ang program, makakauwi na sana ako eh... Kung hindi lang ako pinagloloko ng dalawang to. Si Carlos lang naman eh! Nakidagdag pa si Ashton pati si Marco! Nakakabaliw -_-
Kanina pa to dada ng dada sina Marco at Carlos... Ngayon lang nakidagdag si Ashton ah. Nice timing
"Anong no? Don't talk to me ok? We're not even friends" pagmamaldita ko
"Basta no... Ayaw kong may kahati sayo" sabi niya habang nakapamulsa
Tama ba dinig ko? Aba anlakas ah! "I said stop talking" sabi ko at humarap sa tatlo "you'll only have one date each"
"Okay" -carlos
"What?!" -Marco
"No" -Ashton
Umirap ako "yun na yun. No more. No less"
Tumayo si Marco mula sa pagkakaupo "can you change it? At least 2?"
Hinarap ko siya ng matamlay "are you that eager?"
"DAMN YES!" Sigaw niya pabalik
Napahawak ako sa pader sa likod ko. Sinigawan pa ako ah. Well... Nakakatakot. Kumalabog ang puso ko at nanginig tuhod ko "edi okay. Yun naman pala eh... O ayan! Changed. Two dates each na"
Padabog na lumabas si Marco. Sungit nun. Siya na binigyan ng pabor eh... Aangal pa.
Lumapit sakin si Carlos at inipit ang takas na buhok sa tenga ko. Normal lang yan sa magkaibigan diba? Bumuga siya ng malalim na hininga bago nagsalita
"Thank you" I smiled at him. Atleast may taong nakakaitindi sakin "hatid na kita?"
Ngumiti ako.
