Nagising ako dahil sa init na naramdaman ko mula sa sinag ng araw. Bumangon na at nagsimulang mag-inat ng katawan bago pumunta sa banyo para maligo. After 30 mins natapos na ako sa morning routines ko. (pasensya na kung natagalan ganun talaga ako pag naliligo kelangan fresh talaga hehehe). Nagbihis na ako ng Uniform ko then nagpowder at Cologne pagkatapos ay bumababa na ako para mag-almusal.
Hi guys I'm Sam Park,18 2nd year college taking BSTourism Management cause I want to travel someday. I'm Gay and proud to be one at tanggap naman ako ng parents ko. Cross-dresser? hindi naman masyado pero minsan kasi sabi nila Androgenous daw ako pati daw pangangatawan ko. Single?? Yup pero I had past relationships pero di nagwork out e.
Pagkababa ko bumungad agad sakin ang Love na love kong Family. Nakahanda ang agahan namin. Umupo na ako pagpunta ko sa lamesa.
"Goodmorning Baby Girl!" nakangiting bati sakin ni mama.
"Goodmorning din sayo Ma,Pa! " bati ko pabalik sa kanila.
Nagsandok na ako ng pagkain sa plato at nagsimula na kaming kumain. Nagkwentuhan din kami habang nasa hapagkainan. Napapansin ko naman na nagtitinginan sila Mama at Papa. Pagnahuhuli naman nila akong nakatingin sa kanila ay nabalik sila sa pagkain. Parang may gusto silang sabihin sakin kaso nahihiya lang silang sabihin.
"Ma, pwede ba sabihin nyo na kung may gusto kayong sabihin" sabi ko pero wala paring sagot. "Ma, ano ba yun may sikreto ba kayo sakin"
"Wala anak ano kaba kung ano-ano ang iniisip mo jan kumain ka nalang" pagpapaliwanag ni Papa sakin pero di ako naniniwala na wala lang yun.
I gave them a curious look telling that I'm not convinced sa reason nila. And I know that sooner or later e sasabihin din nila yan sakin.Di rin ako titigil hanggat di nila yan sasabihin sakin, malalaman ko rin naman yan kaya diko na muna aalamin.
Pagkatapos namin kumain ay nagtoothbrush na ako then ready na ako pumasok. Kinuha ko na ang bag ko sa kwarto tapos diretso na ako pababa ng hagdan. Palabas na ako sa bahay nang tawagin ako ni Papa. Lumingon ako nakita ko na pababa palang siya ng hagdan habang inaayos ang necktie niya.
"Sam sabay kana sa akin" sabi niya pagkababa.
"Sige po Pa"
Sumakay na ako sa Passenger seat pagkapunta namin sa Garahe.
Hindi naman kami ganun kayaman nakaka-angat lang dahil si Papa ay nagta-trabaho sa isang kumpanya. Si Mama naman ay may isang Coffee Shop.
Pagkasakay ni Papa sa Driver seat ay nagsimula na siyang magmaneho. Nagkwento lang ako kay Papa about sa school.
"Baby Girl, pagkatapos ng klase mo umuwi ka agad may sasabihin kami sayo ng mama mo" sabi ni Papa na nagpatigil sakin. Tiningnan ko siya pero nakatingin lang siya sa daan.
"Tamo meron talaga kayong sasabihin e"
![](https://img.wattpad.com/cover/85242371-288-k436283.jpg)
BINABASA MO ANG
INSTANT MOMMY (GayxBoy)
Roman pour AdolescentsLahat siguro ng nilalang sa mundo ay hinangad na maging isang magulang. Kahit ikaw gusto rin magkaroon ng pamilya. Ngunit hindi lahat gusto na magka-anak ng biglaan. Katulad ni Sam Park na estudyante sa isang Pampublikong Pamantasan. Hindi niya inaa...