scene sa canteen

5 0 0
                                    

GRABE NA TALAGA ITO!!!NAKAKAHIYA YUNG SCENE KANINA!!!

Matapos yung nakakahiyang pangyayari kanina dalidali akong nagpunta sa CR...buti na lang at walang tao sa loob that time kaya walang nakakita ng tagos ko..pero ang butihin kong best friend papatay na sa pagtawa ngayon...HOW SUPPORTIVE!?BATUKAN KO KAYA!!

"Pwede ba tumigil ka na..sasapakin na kita dyan eh"bulyaw ko sa kanya

"Sorry naman girl...epic naman kasi yung ginawa mo dun eh..kaya pala ang taray mo may visitor ka...hahaha"tawa nya

"Tawa pa tatanggalan kita ng esophagus dyan!!bigyan mo na lang ako ng napkin pwede!!?"asik ko sa kanya

"Naman girl ikaw na nga nanghihingi dyan ikaw pa matapang..kaya wala ka love life eh"komento nito habang naghahanap sa bag nya ng kailangan kong napkin.

"At anong connect ng love life dun aber?!"masungit kong tanong

"Wala naman...pero kayo ni papa Timothy magkakaron ng connection..sure ako dun"tumili pa ito na parang kinikilig."found it..oh girl."abot nito sa tampon nya.nakasimangot kong tinanggap yun

"Sino naman yung Timothy aber?!!"tanong ko.

"Gosh!!di mo na agad sya kilala?!!"eksaherada nitong sabi

"Magtatanong ba ako kung kilala ko sya ha?"balik kong tanong.

"Sya lang naman po yung gwapo mong kaaway kanina if you remember."paliwanag nito

"Mangilabot ka nga sa naiisip mo pwede..lakas mo mangarap eh."inayos ko na ang sarili ko dahil wala akong mapapala dito kay Sara kapag pinansin ko pa sya. Matapos kong ayusin ang sarili ko at naalis ko na din ang mantsa sa palda ko pumunta na kami sa room namin, buti na lang talaga at first day of class ngayon kundi lagot kami kasi sobrang late na namin. Humanap na kami ng pwesto at as usual sa likod na naman kami para hindi masyadong pansin ng teacher hahaha..

"Ay hindi pala natin kaklase si Timothy noh..sayang!"komento ni Sara ng mapansin nyang wala dito yung unggoy na yun.

"Mas mabuti nga yun..iwas gulo."sagot ko naman

"Sus...ang sabihin mo nahihiya ka lang sa nangya-hmmppp" tinakpan ko na ang bibig nya bago nya pa matapos ang sasabihin..pahamak na to ipapaalala pa eh.

"Tumahimik ka pwede!?"sabi ko at matalim na nakatingin sa kanya. Tumango-tango na lang sya bago ko binitawan ang bibig nya.

Wala naman kaming ginawa kaya maaga din kaming dinismiss ng teacher namin.dumiretso kami sa canteen ni Sara kasi gutom na kami. Naghanap na ko ng mauupuan at si Sara na ang pinabili ko ng pagkain namin at dahil likas na mabagal ang kaibigan ko ay naisipan ko muna na mag cr habang wala pa sya malapit lang naman dito yun kaya walang hassle..thankfully nang bumalik ako sa canteen ay nasa table na namin siya..mukha ngang hindi na ko hinintay kumain eh..palapit na ako sa table namin ng humarang yung isang guy sa daraanan ko. Tinaasan ko nga ng kilay..kapag ganitong gutom ako lumalabas talaga ang katarayan ko eh.

"Miss sandali lang daw sabi ng kaibigan ko."yung guy sabay turo dun sa likudan ko. Nang tingnan ko kung sino ang tinutukoy nya ay talagang nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit?"mataray kong sabi.

"Ang sungit mo naman miss makikipagkilala lang naman ako eh."ngiting ngiting sabi ng unggoy na nasa harap ko. Kilala nyo kung sino..?yung mayabang na lalaki kanina na nakakita ng....basta yun na yun. Tinitigan ko lang ang kamay nya na nakalahad sakin pagkatapos ay tinalikuran ko na sya at pumunta na sa table namin.

"Bakit ka nakangiti dyan?!"bulyaw ko sa magaling kong kaibigan na pinanuod lang ako dun.

"Bagay talaga kayo..ihhhh!!"kinikilig nyang komento.binatukan ko nga kanina pa to eh.

"Shut up.."sabi ko kinuha ko na lang ang burger na ipinabili ko sa kanya.."asan ang hot sauce?"tanong ko. Hindi kasi ako satisfied kumain ng burger ng walang hot sauce..ngumisi siya ng nakakaloko.

"Nakalimutan ko girl..hehehe.."sabi nya..asar talaga kelangan ko pa tuloy pumunta sa counter para kunin yun..tatayo na sana ako ng may nagpatong ng hot sauce sa table namin.

"Ms sungit hot sauce ka ba?"nakangiting sabi ni unngoy...umirap lang ako..kalokohan na naman nito.

"Bakit?"kinikilig na sagot in Sara sa tanong nito..

"Kasi ang init lagi ng ulo mo...joke"sagot ni unggoy. Kumunot ang noo ko letse lakas mang asar nito ah..

"Bakit ineexpect mo bang "kasi ang hot mo" ang sasabihin nya?"

"Hindi noh..!!"kontra ng isip ko..pati tuloy sarili ko nagtatalo dahil sa kalokohan ng unngoy na to.

"May isa pa ako.."hirit pa nito

"Ano yun..?"kilig na kilig pa rin na sagot ni Sara. Pati yung ibang estudyante dito nakatingin na rin samin, hinihintay siguro ang sasabihin nito..ako?eto tuloy lang ang pagkain gusto ko nang umalis dito.

"Ms sungit burger ka ba?"-unggoy

"Bakit?"-sara\other student in the canteen.

Ngumiti ng wagas si unngoy bago sumagot.

"Malaman ka kasi...hmmm"pinisil nya pa ang braso ko na parang nanggigil..

"Letse..ano ba?!"irita kong sabi..

"Chill ka lang girl nakakakilig kaya."komento ni Sara

"Anong nakakakilig dun...nilalait na ako hindi mo ba pansin yun!?"napalakas na ang boses ko kasi naiinis ako..para kasing sinasabi nya na mataba ako.

"Hindi naman sa ganun ms sungit..pinatatawa lang kita eh."paliwanag ni unggoy.

"Thank you ha..ang saya ako..HAHAHA!!!"sarcastic kong sabi bago ako tumayo.."Tara na Sara."sabi ko at umalis na dun..natahimik ang canteen sa pag alis ko pati na rin ang unggoy na yun.

"Sandali lang girl..hintayin mo na naman ako.."tawag sakin ni Sara pero hindi ko sya pinansin..asar pa din ako.

"Kapag ako nagka appendix lagot ka sakin."sabi ulit ni Sara.

"Matagal ka ng may appendix sira..."tumigil na ako at hinarap sya..may kasalanan nga pala to sakin.

"Alam ko naman yun gusto ko lang tumigil ka eh."ngumiti pa sya sakin.

"Ewan ko sayo..babatukan kita dyan..ikaw ang nagsimula nung kanina kaya naaasar ako ngayon."sabi ko.

"Oy hindi ako yun ha..sinasagot ko lang naman ang tanong ng prince charming mo..nakakakilig naman diba.?"siniko nya pa ako sa tagiliran.

"Hindi sya prince charming! frog prince sya...at hindi ako kinikilig...sinong matinong tao ang kikiligin kapag nilait sya and worst lalaki pa.!!?"sampal yung sakin noh..how dare him to humiliate me in front of the student body.!!?

"Kinilig kaya ako."sagot nya.naka pout pa ang loka.

"Matino ka ba?"tapos tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa saka umiling..

"Ang sama mong kaibigan..sinaktan mo ang beauty ko.!!"nag eemote na sabi nya..

Napangiti na ako..nakabawi rin sa kanya..minsan maganda rin na naging kaibigan ko to eh..pampaalis bad vibes..:p




PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon