missing in action

8 0 0
                                    

A week of hell..yan ang masasabi ko sa isang linggo na pagpasok sa school at makahalubilo si Timothy..oo tama kayo,alam ko na ang pangalan ni unggoy..sa isang linggo ba naman na para syang sirang plaka na paulit ulit sa pagpapakilala ay hindi ko pa matandaan ang pangalan nya..at literal na paulit ulit nya akong kinukulit para lang magpakilala..how nice diba? Hindi ko nga alam kung friendly sya o talagang may sinumpaan syang pangako na walang sawa nya akong iinisin hanggat nabubuhay sya..at masasabi kong tagumpay sya dun dahil walang araw ang dumadaan na hindi umiinit ang ulo ko sa kanya..minsan pa nga sinundan nya ako papunta sa cr para lang sa walang kamatayan nyang speech na.....

"hi ms sungit..timothy nga pala.. Pwede makipagkilala?"

Syempre sasagutin ko sya ng walang kaabog abog na....

"Ayoko nga!!lubayan mo ako!!"

O di kaya ay....

"Neknek mo!!BALIW!!!" sabay walkout

Hindi ko nga alam kung alien ba sya at hindi nya maintindihan na ayaw kong makipagkilala sa kanya..gusto pa ata nya sa ibang lenggwahe ko sabihin..at dahil sa kanya mukhang sisikat ako dito sa school..sa araw araw ba naman na para kaming character sa isang pelikula..akala mo may world war na nagaganap sa tuwing magpapangabot kami sa corridor,sa canteen, sa room at kahit ang library hindi namin pinaligtas kaya ang ending namin parehas kaming napalabas ng librarian at banned kami dun for the whole week..ang malas diba?

"Girl andyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap."tawag sakin ni Sara.

"Bakit?"tanong ko..kanina pa kasi ako dito sa library..tapos na kasi ang parusa namin dito last week kaya balik tambay ulit ako.

"Wala naman...baka kasi kasama mo pala si papa Timothy kaya di kita mahagilap eh."nakangisi nitong sabi kaya sinimangutan ko.

"Ayaw ko ng mapalabas ng library please kaya tumahimik ka.."banta ko sa kanya..buti nga hindi pa nagpapakita sakin ang unggoy na yun ngayong araw at saka pala kahapon..absent yata..napakabuting estudyante talaga nun 2nd week palang ng pasukan absent na agad.

"Haha...na-trauma ka na ba?pero maiba tayo..bakit ang tagal na yatang MIA ni papa Timothy....namimiss ko tuloy sya.."she said dreamily..

"Bakit mo sakin tinatanong...Malay ko dun!hanapin mo na lang ang barkada nyang mga unggoy baka alam nila kung saang bundok yun naghanap ng saging."suggestion ko ng matigil na sya sa pagtatanong.

"Namimiss mo rin ba kaya gusto mo malaman kung nasan sya..?ha!?aminin mo na sakin best friend naman tayo diba..?"sabi nya habang taas baba ang mga kilay na parang sinasabi na "huli na kita umamin ka na" letse ni hindi ko nga napansin na missing in action yun kung di nya sinabi at pinaalala sakin eh...mamiss pa kaya..isang malaking KALOKOHAN yun!!

"Tumigil ka nga..umalis ka na lang kung wala kang magandang sasabihin pwede?"pairap kong sabi..pero imbes na matakot sakin ay tumawa pa ito at pinaghahampas pa ako sa braso..

"Haha..ikaw naman girl masyadong hot..Tara sumama ka sakin."sabi nya at hinigit ako kung saan..

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na hinihigit ng babaeng to sa building namin..sa room nina unggoy to be exact.

"Hoy babae bakit tayo nandito ha!?...bitaw na nga!!"inaalis ko na ang kamay nya sa braso ko pero matindi ang kapit nya parang tuko lang!!Grrrr!!!

"Hi!friend mo si timothy diba, bakit sya absent?"tanong ni Sara sa lalaking palabas sana ng room..barkada siguro ni unggoy..feeling close naman tong babaeng to.

"Hindi namin alam..bakit may kelangan ka ba sa kanya?"sagot nung guy..

"Ahh..he he..tinatanong lang nitong friend ko..namimiss nya na eh.."hinila pa ako ng magaling kong kaibigan at iniharap dun sa kausap nya...pero ano daw sabi nya?!ako ang nagtatanong?!namiiss ko!?

"Hoy anong sinabi....."hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may isa pang lalaki ang lumapit samin.

"Uy ms sungit ni timothy bakit ka nandito?hinahanap mo ba siya?"singit nung guy...maangas sya..bagay nga silang barkada ni unggoy..

"ASA...bakit ko naman hahanapin yun!!"sagot ko sa kanila

"Ahh hindi ba?"napapakamot sa ulo na sabi ni maangas guy."eh ano pala ginagawa nyo dito?"tanong nya pa.

"Nag window-shopping lang bakit may angal ka?!"mataray kong sabi saka umalis dun..baka humaba pa ang usapan kapag nagtagal pa ako dun..pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko pang nagsalita si Sara..

"Pasensya na kayo..pakipot lang yun pero kukumustahin nya sana si timothy...so pakisabi na lang sa kanya kapag nakita nyo sya ha...bye!!!"paalam nya bago sumunod sakin...baliw talaga to kahit kelan palagi tuloy ako napapahamak dahil sa kanya...haaayy....

"Girl wait lang naman..bakit ka ba nagagalit?"inosenteng tanong sakin ni Sara...eh kung itaktak ko kaya ang utak nya ng maalog ng konti para gumana.. tinatanong pa talaga nya kung bakit ako nagagalit!?napaka imposible nya gosh!!!

"Sigurado kang tinatanong mo yan sakin Sara Mae Hernandez!!?"asik ko sa kanya.natigilan sya kasi alam nya naiinis na talaga ako kapag buong pangalan nya na ang binabanggit ko,pero nakabawi rin agad sya.

"Girl naman relax ka lang...gusto ko lang naman malaman kung bakit absent si papa Tim eh..hindi ka ba curious sa pag absent nya..Malay mo may sakit pala..kawawa naman.." Nakapout pa nyang sabi..nagpacute pa sakin akala mo maloloko nya ako.

"Wala akong pake...kung gusto mong maging stalker nya wag mo akong idamay maliwanag!!?"kontra ko sa kanya..

Huminga sya ng malalim bago marahang tumango tango sakin.

"Fine..sorry na!"sabi nya..sigurado akong ako ang panalo sa argumento naming to batay sa ekspresyon ng mukha nya..gusto pa kasi nitong nagtataray ako bago tumino..pasaway talaga..ang sakit nya sa bangs kahit wala naman ako nun..:p

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon