HOS 1

0 0 0
                                    


"Psst!"

T*ng ina lang ha, kanina pa ko nababadtrip sa sumisitsit sakin! Alam ko namang ako yung tinatawag, pero leche! May pangalan ako no!

"Psst!!" Mas lumakas yung tunog, pero di ko pa rin pinansin.

"Aika! Baboy!!"

Napahinto ako. Hindi dahil sa tinawag niya yung pangalan ko, andito na kasi locker ko e.

Humarap muna ko sa likod para makita kung sino yung sumisitsit, at saka binuksan ang locker para ilagay yung libro.

"Leche ka Aika! Bat ayaw mong lumingon?" Sabi niya sakin saka ako niyugyog.

"Alam mo Yumi, tunog pa lang ng sitsit mo kilala ko na. Mukha kang tanga kakasitsit diyan." Sinarado ko na ulit yung pinto saka inayos ang bag. "Saka ang oa mo. Yugyog ka ng yugyog sakin!"

Nagsimula na kaming maglakad. "San ba locker mo?" Tanong ko sa kanya.

"Yieee may pake siyaaa. Kilig ako Aika ano ba hahaha!" Sagot niya, kulang na lang mapunit labi kakangiti.

"Ulol. Diba kaklase kita? Alam ko namang magpapasama ka sakin maglocker." Tumingin ako sa relo ko, 6:30 ng umaga. "Saka ano ba? Sasabihin mo ba o iiwanan na kita?"

"Eto naman! Deny mo pa e. Tara na nga."

**
Naglalakad na kami papunta sa 1st period matapos namin dumaan sa locker niya.

"Oh?"

"Oo, tapos kanina nga hinatid pa ko sa harap ng school! Hahahaha kinikilig tuloy ako!" Nanginginig pa siya sa pagsasalita. May actions pa nga e hahaha.

"Sus. Magbebreak din kayo! Hahahahaha!" Pumasok na kami sa loob ng room at umupo sa assigned seats namin.

"Bitter ka lang e! Wala ka kasing boypren. Panget! Hahahaha!" Tinawanan ko na lang siya.

Mga ilang minutes pa ng pagkukwentuhan namin, dumating na yung adviser saka nag attendance.

"Ramirez?"

Tinaas ko naman ang kamay ko para masabing 'present' ako, kahit yung utak ko absent.

After ng attendance namin, nagsimula ng magpakilala sa harap, bago kasi teacher namin. Buntis kasi yung dati.

Ayon, as usual nakakabored pa rin. Walang magawa.

Habang nagdidiscuss si Ma'am ng mga kung ano ano na mga rules, nilabas ko muna phone ko sa ilalim ng desk para magtext.

Mama
Anak, nakauwi na kami ng ate mo sa Bulacan. Salamat nga pala sa kagabi ha? Huwag kang magalala, mababayaran ko rin yung nawala sayo.

Napabuntong hininga na lang ako ng mabasa ko yung text sakin Mama. Agad ko namang nireplyan.

To: Mama
Ma, ok lang po. Kelan ho kayo ulit babalik rito sa Manila? Balitaan niyo po ako agad pag naging maayos na si Andrei.

Pagkapindot na pagkapindot ko ng send, muntik na ko mapatalon sa gulat dahil tinawag ako ng teacher namin.

"Ramirez, ano nga ulit yung mga rules bago pumasok sa auditorium?" Tanong niya sakin habang nakangiti.

"Ah... Ano po.." Sabi ko saka ako tumingin kay Yumi na nasa tabi ko para humingi ng tulong.

Magsasalita na sana ako ulit ng biglang may kumalabog sa pinto.

Hundreds of SorryWhere stories live. Discover now