first day

16 0 0
                                    

First day ng klase ngayon bukod sa bagong school year, ano pa ba ang meron?

Bagong bag.?

Bagong notebook?

Bagong sapatos?

Bagong uniform? kung mayaman ka at afford mong bumili ng uniform taon taon.

Bagong classmate?

Pwede..kasi madami din ang transferee ngayong taon at kasama na dyan ang bagong kaiinisan dahil sa mga ugali nilang di na bago sa karamihan sa'tin.

Inumpisahan ko ang first day ko na relax lang..chill lang..at as usual tambay na naman ako sa school ground ng school namin na di naman kalakihan pero sapat na para maka okupa ng may isang libong estudyante. Hinihintay kong tumunog ang bell na hudyat na magsisimula na ang klase,ngunit imbes na bell ang marinig ko ay ang nakakabinging boses ng kaibigan kong si Sara ang narinig ko..

"WAAAHHHH!!!!RHEA NAMISS KITA!!"Sabi ko sisimulan ko ang araw ko na chill lang pero kung kasama ko ang babaeng to imposible yun...numero unong hyper ang isang to.

"Sara ano ba,yung boses mo naman!!!"asik ko dito.ngumiti lang sya at nag peace sign sakin

"Mehehe!!sarreh girl. Kanina ka pa dito?"tanong nito.

"Medyo bakit?" Tumatango kong sagot

"Di nakita mo na rin yung bago..gwapo daw ehh...gwapo nga ba?!ha!?ha!?"pangungulit nito sakin at tinutulak pa ang balikat ko..asar!!

"Aba malay ko..wala pa kong nakikitang bago dito. Kanino mo ba nasagap yan?" Tanong ko

"Narinig ko dun sa grupo nina mae,ang gwapo nga daw eh..hihihi."bumungisngis ito sa harap ko kaya inirapan ko sya..may pagka uto uto eh,naniniwala dun kina Mae eh number one na malandi yun dito hayy..

"Ilusyon lang nila yun naniwala ka naman."sagot ko at ipinagpatuloy ang binabasa ko.umupo naman sya sa tabi ko at natahimik na pero mayamaya lang ay kinalabit nya ako at parang wala sa sariling nagsalita.

"Girl sabihin mo ilusyon lang ba ang nakikita ko o talagang may gwapong naglalakad sa harap natin"Sabi nya at matamang nakatitig sa harapan. Kasabay ng pagtingin ko sa direksyon na tinitingnan ni Sara ay ang impit na tili ng mga babae malapit samin na akala mo ay mga naipit na palaka ang boses.

"Ang gwapo!!"Sabi nila at parang mga epileptic kung kiligin sa lalaking naglalakad papunta sa....teka San nga ba ang punta nito.

Nakakunot ang noo ko nang mapagtanto kong samin sya lumapit..halos magsalubong ang kilay kong nakatingin sa kanya.."anong kailangan nito?"sa isip kong sabi.nabalik lang ako sa sarili ng pumitik sya sa harap ko.

"Miss okay ka lang?Sabi ko kung pwede makiupo" tanong nya at may nakakalokong ngiti sa mga labi.tumango lang ako bilang sagot at naupo na sya sa space na meron sa tabi ko. Samantala si Sara naman ay walang tigil ang pagkurot sa braso ko...alam kong kinikilig sya pero masakit na yung kurot nya,babatukan ko na sya.

"Masyado ba akong gwapo miss?"tanong nitong katabi ko at feeling ko nabingi ako sa sinabi nya.

"Ano yun?!"Hindi makapaniwalang tanong ko.mahangin din pala ang isang to

"Pansin ko kasi kanina pa kinikilig ang kaibigan mo and you were stunned by my presence "nakangisi nitong sabi

"Excuse me Mr. Whoever you are--"naputol ang sasabihin ko ng magsalita ulit sya.

"Timothy. My name is Timothy"

"I don't care.!ang sakin lang Hindi kinikilig ang kaibigan ko sayo sadyang abnormal lang to kaya ganito sya kumilos at Hindi ako natigilan dahil sa presensya mo sadyang may iniisip lang ako..kaya kung pwede wag kang masyadong mahangin ang sakit mo kasi sa mata!"lintanya ko bago ako tumayo at niyaya na si Sara na umalis..super walkout ang katapusan ng mga eksenang ganito para mas feel ang kaso tinawag na naman akong ng unngoy na to.

"Miss ang sungit mo naman....bakit first day mo rin ba?"tas ngumuso sya sa likuran ko..sa pang upo ko to be exact..bastos to ah.."halata eh"Sabi nya pa sabay smirk. Tiningnan ko yung tinutukoy nya at ramdam kong dumaloy lahat ng dugo ko sa aking mukha..

GOSH MY TAGOS!!!FIRST DAY KO NGA!!!

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon